CHAPTER 28

68 25 0
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALYARETTE SALGUERA

WEEKS would pass at doon na nagsi-simula na mahirapan kaming dalawa ni kuya sa bills kahit pa triple na ang trabahong kinukuha namin.Nag-change na ako as taga-ayos ng libro sa isang malapit na library in the morning, tumutulong mag-buhat ng food deliveries sa palengke from noon to afternoon at laman ng karaoke bar for the evening.

Pero parang hindi kami nagmo-move ni kuya sa bills, tumatambak na ang bills ni lola sa hospital at medyo nahihirapan na kaming mag-catch up sa bayarin kada buwan hindi gaya noon na kaya pa naming dalawa dahil may extra funds pa kami.

"Aba anong itinatayo tayo mo diyan?Hindi porke ipinasok ka ng kuya mo dito eh espesyal kana!" sita ni ate Che saakin

Siya ang nagpapa-suweldo sa workers dito, sapat naman pero hindi nga lang maganda ang trato sa'yo.

"Break time ko po—" pinutol niya naman ang sasabihin ko

"Break time break time, bawasan ko suweldo mo eh!" pasimple nitong sabi kaya kaagad akong napatayo

"Magta-trabaho napo" sabi ko nalang at iniwan ang natitira kong sandwich doon

Tumulong naman ako sa iba na mag-buhat ng iilang boxes, marami na akong natamong sugat sa ganitong trabaho pero nakalimutan kona yatang mag-reklamo, patapos na rin naman ang araw na 'to kaya wala na akong oras para doon.

"Sa taas ito Alya" saad saakin ni Mateo na kasa-kasama ni kuya

"Sa itaas?" gulat kong sabi kaya tumango naman siya

Lumunok ako at tinanggap ang mabigat na box na 'yon, pumasok ako sa loob ng shop at tinignan ang hagdanan dahil mataas nga iyon.Unang hakbang pa lang ay bigat na bigat na ako pero sinubukan kong muli.

Hindi naman siguro ako lampa ano?Mabigat lang talaga 'yung box kaya ang hirap umakyat sa hagdan, aksidente naman akong namali ng apak kaya kahit pa mababa lang ang binagsakan ko ay nabagsakan naman ang paa ko ng box na 'yon.

"Oh ano?!Lumpo kana niyan?Sabi na't wala ka lang kuwenta eh, kung hindi ko lang ire-reto ang kuya mo sa anak ko'y hindi naman kita tatanggapin!" suway nanaman ni ate Che

"Hindi ho, kaya ko ho" pagpu-pumilit kopa at pilit na tumayo

Ang kaninang stable kong paa ay ngayo'y kumikirot na pero pinilit kong umakto na ayos lang ako bago sinubukan muli, mabuti nalang at sa sumunod na subok ko ay nailagay ko naman na nang matino.

Umirap lang si ate Che habang pinapanood ako kanina bago niya napag-desisyunang umalis na rin para tignan naman ang iba, bumugtong hininga ako at dahan dahang bumaba sa hagdan na 'yon.

Tumanggap pa rin ako ng ilang boxes at inilagay 'yon sa mga dapat nilang pag-lagyan, naka-ilang lipat pa kami bago tuluyang naubos ang deliveries.

"Oh ayan ang suweldo, sa susunod ayoko nang may bumabagsak na boxes ha?" halata pa ang sarkasmo sa tono nito at inihagis lang saakin ang puting envelope

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon