CHAPTER 17

90 25 4
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE SALGUERA

"AKO din West" sabi ni ate Mae habang nagsu-suot ng sumbrero si kuya dahil mainit

"Ano sa'yo?" tanong naman ni kuya

"Candy, kahit ano na basta matamis" aniya kaya tumango tango si kuya at inilista 'yon

Wala namang problema kay kuya 'yang mga ginagawa n'ya, one time sinabi n'ya pang gusto niya raw 'yan at marunong naman daw siya mamili ng mga fresh na bilihin mapa karne man o isda.

Kung may hobby man si kuya, siguro mamalengke na.

"Parang gusto ko ng magnum kaso matutunaw lang 'yon eh" bulong ko sa sarili bago tumayo

"Saan ka pupunta bebs?" tanong ni Riva nang tumayo ako

"Papalit sana ng rash guard" paalam ko pero ngumiwi lang siya

"Swimsuit kana kasi parang gaga 'to" saad niya pero ngumiwi lang din ako

"Ayos naman rash guard ah" depensa ko

Kumapit siya sa braso ko't sabay kaming nag-lakad papunta sa batur namin, humikab pa siya nang saktuhang lumingon ako kaya napa-hikab na rin ako.

"Alam mo Alya?It's time to glow na bebs, mag-swimsuit kana kung ako sa'yo saka sayang naman baon mo ano!" reklamo niya kaya natatawa akong umiling

"I'm fine naman sa rash guard saka isa pa, magagalit si Ceon" saad ko kaya umirap siya sa ere

"Girl, what?I can't believe you're letting yourself be under— your boyfriend.. right.." saad niya sa pahinang boses kaya kumunot ang noo ko

Nagulat naman ako nang makita ang presensya ni Ceon, kaya nakangiti ko siyang sinalubong ng yakap.This time, he didn't push me away, he just hugged me back and kissed my head.

"May gusto ka bang kainin habang namimili sa labas sina kuya?" alok ko pero umiling lang siya

"Nothing.. I.. do you wanna swim with me in the ocean?" balisang tanong niya

"Hindi kasi ako marunong lumangoy Ceon eh, alam mo naman 'yon 'di ba?Pero puwede naman akong sumama sa baba kung gusto mo" sabi ko pero ngumiti lang siya

"Aalalayan kita, I won't let you drown.. this time" sabi niya na tila ba nako-konsensya sa kung anong dahilan

But seriously, what did Jess told him for him to act this way?I'm confused kasi after umamin ni Ceon na may sakit siya ay never na siyang naging sweet saakin, well, maliban kahapon.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now