CHAPTER 10

104 30 6
                                    

RIVALLY AKIRA KATE VILLUENO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RIVALLY AKIRA KATE VILLUENO

YOU can clearly tell that I was wasted than bebs, grabe ang hirap bihisan kagabi at panay ang yakap saakin!Kailangan kopa tuloy mag-palit ng masusuot para lang hindi lamigin.

Voz woke me up last night kesyo hindi raw puwedeng siya ang mag-palit kay Alya, sus nahiya pa — joke!

Lumabas naman ako sa batur kung nasaan ako at inilibot ang paningin, si West ay natutulog pa sa kabilang dulo ng kama habang may malaking espasyo naman sa gitna namin na tinulugan ni Alya kagabi.

Bumalik ako sa batur namin ni Thomas at kumunot ang noo ko dahil ang natutulog na si Hash nalang ang naroon

"Nasaan sila?" tanong ko sa sarili

Nag-bihis lang ako ng swimsuit ko at nag-short nalang dahil maaga pa, huhubarin kona lang 'yung swimsuit kapag magsi-swimming na ako.

Nang palabas na ako mula sa batur ay napa-hinto ako dahil may sticky note sa doorknob sa loob.

'Sea shore - Alya :)'

Nag-kibit balikat nalang ako bago tuluyang lumabas at pumunta sa sinabing lugar, napa-hinto ako sa hagdan nang may makita akong pamilyar na bulto mula sa baba.

Naka-upo ito sa buhanginan at may katabing dalawang kape na nakalapag sa buhanginan at mukhang bago pa.Kahit pa natigilan ay kinumbinsi ko pa rin ang sariling bumaba.

Inhale, exhale Riva.

Nang tuluyang makababa ay tumabi ako sakaniya, silence filled our atmosphere for a short period of time until he decided to break it.

"Goodmorning Riva, coffee?" alok niya nung kape na nasa tabi niya

"Goodmorning, thank you — bakit ka pala nandito?Atsaka ang aga mo magising ah, 'di ba deep sleeper ka?" natawa naman siya sa sunod sunod kong panimula

"You're louder than the first time we met" natatawa niyang sabi kaya napayuko naman ako sa hiya

"Don't apologize, I kind of like it actually" aniya

Humigop ako sa kape and it's dark coffee just like how I wanted it, nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.Duh?If your crush complimented you, wouldn't you blush as well?

"You like it?" simpleng tanong ko

His answer would definitely matter to me.

"Yeah, it's better than silence" saad niya lang

Napatango tango naman ako, again, another silence.

"Riva, do you like me?" napanganga naman ako sa tanong niya

Nilingon ko siya ngunit nang lingunin niya ako pabalik ay natameme lang ako, nakatulala lang ako sa mala-atlantic niyang mata.It's beautiful as ever.

He smiled as I stare at him, tuluyan nang nag-init ang mga pisngi ko at ako na ang umiwas ng tingin.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam ang isasagot, I don't know what he mean.

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon