CHAPTER 51

65 23 3
                                    

A year later...

ALYARETTE POVENMIRE

"I DON'T care Aly, i'm here to court you, okay?Hindi mo naman ako kailangang sagutin" pamimilit ni Yim

Yimsyar Buellon, 'manliligaw' ko kuno kahit ayoko nga dahil wala naman akong balak makipag-kasintahan pa sa kahit kanino.It's been a year since what happened on that traumatizing christmas day, I was in therapy for half a year dahil doon.

Fortunately, I survived but i'm still inlove with Vorg.Nasa mas maayos na bahay na kami dahil ang taas talaga ng suweldo ko sa agency na 'yon but most of my suweldo is donated to orphanages.

Bumuo din kami ng charity at nag-iipon ako para sa isang hospital building ngayon, actually on going na siya pero I haven't told my dad yet.Young doctor ang tawag kuno kay papa kaya I decided to atleast give him something which is a hospital named after him.

"Yim seryoso ako.. wala na talaga akong balak mag-asawa pa o kung anong related sa love" seryoso kong sabi kaya huminto siya sa pag-aayos

"Aly, don't say that — sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nakaka-move on" nanahimik ako sa sinabi niya

Naitikom ko ang sariling bunganga dahil what if tama nga siya?Pero may parte saakin na nangako na noon pa na si Vorg lang, si Vorg lang ang natatanging lalaki na mamahalin ko sa pang habang buhay.

"Come here" tumayo naman siya mula sa mga damit kaya kumunot ang noo ko

"Bakit?" tanong ko sakaniya

"Just come here, Aly" pamimilit niya kaya tumayo nalang ako't lumapit

Hinila niya naman ang wrist ko kaya napayakap ako sakaniya, nagulat man ako ay hindi ko rin maiwasang mag-taka.Bakit niya ba ako niyayakap?

"Yim, i'm serious about that.. na hindi na talaga ako mag-aasawa" sabi ko sa malungkot na tono

I couldn't fall inlove anymore, I always compare them to Vorg kahit pa si Yimsyar.As a model, masasabi kong marami din talagang tatangkilik at magkakagusto sa'yo sa trabaho na ito.

On the other hand, I couldn't choose because all i'm doing is looking for Vorg in the choice although alam ko sa sarili kong imposible nang makita pa siya sa choices.

"Give me a chance alright?I can wait kahit pa gaano 'yan katagal" paninigurado niya at dumistansya saakin

Mahirap siyang pilitin, isang buwan pa lang naman niya akong nililigawan kaya siguro ganoon pero wala na akong plano.Kagaya ba siya ni Vorg na isasakripisyo lahat para saakin?

"Yim.." tawag ko sa pangalan niya

"Shh, tara na" mahinahon niya namang hinablot ang wrist ko't sabay kaming lumabas mula sa hotel na 'yon

Doon kasi niya ipinalagay ang mga gamit niya dahil galing pa siya sa Canada, on vacation ang nakalagay sa papers namin ngayon since next month pa ang susunod na fashion show.

"Ano?Are y'all ready?" tanong niya kay Riva at Thomas

Ceon, Dia and Jess are all busy studying habang ang iba namang matatanda sa barkada ay ganoon din including si kuya na nasa ibang bansa pa din at ngayo'y in a relationship with ate Mae.

Kuya Ked and ate Euna is now working on their on going house while kuya Hash is finishing his course to go to other country and live in with Dia.We all have plans now pero sa mga relationships?I think sila lang ang mayroon.

Riva and Thomas chose to come with us dahil libre ni Yim, sila pa nag-volunteer pero ang totoong rason ay wala pang tiwala sina Thomas kay Yim kaya talaga sila nag-presinta.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now