CHAPTER 8

114 30 28
                                    

EUNARICE VIONA GUNDAMINO

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

EUNARICE VIONA GUNDAMINO

THINK ABOUT it, we're doing so many stuff day by day yet i'm not getting tired of it.Nandito ako ngayon sa kama at nanonood ng television dahil hinihintay kong matapos si Ked sa pagba-banlaw sa bathroom.

Kakatapos ko lang kasi at mag-iihaw kami ng manok sa cottage mamaya, lumingon ako sa orasan na nasa side table at malapit na palang mag-gabi dahil obviously ay hapon na.

Humikab ako at saktuhan namang lumabas ng bathroom si Ked, naka-tali lang ang tuwalya sa kalahati ng katawan niya kaya nginitian ko siya.

"Hot ng mochi ko ah" compliment ko sa katawan niya

Totoo naman, may abs si Ked at guwapo.May problema nga lang sa ugali pag-dating sa ibang tao.Corny man sa iba ay mochi ang tawagan namin, bakit ba?

Bumibili ako sa convenience store noon ng mochi at pinag-agawan namin 'yung last pack, doon ko din siya nakilala kaya medyo important detail 'yon saaming dalawa.

"Mochi" saad niya sa namamaos na boses

Tumabi siya saakin saka yumakap bago hinalik-halikan ang leeg ko, pinatay ko naman 'yung television bago siya binigyan ng isang matamis na halik.

Alangan naman maalat?

"Sige na mochi, bihis na at baka lamigin ka pa" sabi ko dahil bukas 'yung aircon

Hinigpitan niya lang 'yung yakap sa bewang ko kaya naman hindi ako makagalaw sa kina-uupuan ko ngayon.

"Mochi, tayo na" saad ko na pinapatayo siya

"I love you" sabi niya lang habang naka-sandal sa dibdib ko at naka-pikit pa ang mga mata

"I love you too, mochi?Mag-iihaw pa tayo" paalala ko sakaniya

Naka-simangot naman siyang lumayo saakin kaya nakangiti kong pinisil ang pisngi niya.

"Sige na, mamaya na tayo mag-lambingan" sambit ko kaya naman napalitan ng ngiti 'yung kaninang naka-simangot niyang mukha

Tumayo ako bago inipitan ang maikli at bagsak kong itim buhok, hinintay ko namang makapag-bihis na si Ked saka kami sabay na lumabas ng batur at dumeretso sa cottage.

Naka-hawak lang ang isa niyang kamay sa bewang ko at ganoon din ako sakaniya habang nagla-lakad kami palapit sa kanila.Humiwalay lang siya saakin nang tawagin siya ni West.

"Ked, ikaw mag-ihaw kukuha lang ako ng uling ulit" ani West bago sila nag-palitan ni Ked ng puwesto

Ngumiwi ako nang hindi siya sagutin ni Ked at diretso nalang itong nag-bantay.Ayan talaga ang ayaw ko sa ugali niya, hindi niya pinapansin o kinakausap 'yung ibang tao at saakin lang maingay.

Hindi ko maintindihan 'yang side niyang 'yan noon pa man pero sinabi niya lang saakin na ayaw niya sa tao dahil nakaka-irita sila, nang sabihin ko namang tao din ako ay sinabi niya lang na mochi daw ako.

Landed In Summertime | Completed ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora