CHAPTER 50

77 24 16
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

ALYARETTE POVENMIRE

BUMUGTONG hininga ako't napakamot sa ulo dahil sa nangyari kanina, natawa sina Director Folk na kailangan ko pang umihi after non.Hindi naman talaga dahil sa marami akong nainom na tubig kundi dahil sa nahiya talaga ako.

Pero I signed the contract na at tama si Dia na hindi ko dapat palampasin ang oportunidad, sabi din ni Director Folk na siya ang bahala sa training kapag nag-simula na ito sa February before ako pumasok sa industry.

Reason nila ay may new year celebration pa daw kasi kaya February nalang ang simula, strikto sila sa schedules base sa nasa kontrata pero wala akong problema doon at mas gusto ko pa nga ang ganoon.

"Bunso?Nahihilo ka ba?" tanong ni kuya mula sa passenger's seat

Nasa likod kasi ako habang nasa harap sila ni papa dahil ayoko doon sa upuan ni kuya, rason?Ang lamig-lamig at nasa harap ko pa ang aircon, ayoko sa ganoon dahil nasusuka ako o 'di kaya'y nahihilo.Malayo layo din ang biyahe kaya hapon pa lang ay tapos na kami.

Tapos na sa pagluluto, paghahanda at pagbabalot ng gifts.Alam kong mukhang mabilis pero kasama kasi namin si Inang na nag-balot kaya hindi 'yon naging problema aba'y propesyonal yata si Inang riyan dahil sa pinagta-trabahuhan niya noon.

"Hindi po" sagot ko habang naka-sandal sa balikat ni Inang

Nilalaro din niya ang buhok ko kaya nakaka-antok talaga pero medyo malapit na kami kaya hindi kona magawang pumikit dahil baka hindi ako gisingin ni kuya, ayaw pa naman niyang iniistorbo ako kahit may okasyon pa man.

"'Yan ba ang Hanj Ville?May malalaking letters sa harapan ano?" sabi ni papa kaya dumistya ako saglit kay Inang

Pinag-buksan kami ng gate at ipinasok naman ni papa 'yung sasakyan kaya nakatingin lang ako sa bintana at maiging pinanood ang pag-andar namin.Sabay kaming halos idukdok ang mukha sa salamin ng kotse dahil ang lawak ng lawn na 'yon.

Totoo ngang halos puwede ka nang bumuo ng mansion dito, madami na din tao at sobrang daming tent na naka-lagay.Nakikita kona si Ceon at Dia na nagtutulungan sa pag-aayos ng mesa, nandoon din sina ate Mae syempre kaya nilingon ko si kuya.

Alam niyo na kung saan nakatingin, akala nila hindi ko sila halata?Sus, ako pa ba?

Pero sana nandito si Vorg ngayon, first time na nga lang sana namin magce-celebrate ng pasko nang mag-kasama ay wala pa siya.Mahirap kasi for sure mamaya ay ako naman ang walang partner sa barkada.

Wala akong balak palitan si Vorg, siya at siya lang ang maaari kong maging partner sa buong buhay ko kahit pa tumanda akong dalaga.Kung kakailanganin ko man ng lalaki sa buhay ko maliban kay kuya, papa at sa ibang barkada ay si Vorg lang 'yon.

Landed In Summertime | Completed ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora