Chapter 3

135 30 10
                                    

ALYARETTE SALGUERA

I YAWNED right after I opened my eyes, the room is still pitch black but I manage to stand up and open the curtains.Wala pa ang haring araw pero may liwanag nang pumapasok sa room namin dahil sa street lights since mataas naman 'tong kuwarto.

Lumapit ako sa mesa na naghahati sa dalawang kama at tinignan ang orasan doon pati na rin ang kalendaryo.

April 1 - 5:32 am

Napahikab na naman ako nang makita ko 'yon pero hindi na ako inaantok, nilingon ko si Ceon at nakaharap lang siya doon sa pader habang nakayakap sa unan niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakatanda ko kahapon ay yumakap siya sa akin mula sa likod, 'di kaya panaginip din 'yon?

"Weird" bulong ko sa sarili.

Ginawa ko muna ang morning routine ko pero hindi ko pinalitan ang pang tulog kong saplot, around five fourty in the morning ay lumabas na ako sa batur at dumeretso sa cottage namin.

"Kapag may ganoon talaga automatically two point one eh"

"Greater, one point twenty-five"

"Posible 'yon?"

"Oo, pero hindi sa average person"

Rinig ko ang boses nila kuya West at kuya Hash, ang aga naman yata nila?Sinubukan kong hindi lakasan ang yapak ko but they ended up seeing me.

"Oh bunso ang aga mo?Hindi ka sumama sa bonfire kagabi" lumapit naman ako kay kuya kaya hinalikan niya ako sa noo.

Umupo ako sa upuan na siyang na sa pagitan nila ni kuya Hash, nandoon din pala si Vorg na katabi ni kuya West sa kabilang side.

"Good morning kuya, ah ano kasi, inantok kaagad" palusot ko kahit pa alam naman natin kung bakit hindi ako nakapunta kahit gusto ko.

"Ayos lang 'yon pati sina Vorg at Hash natulog kaagad kahapon eh kasabayan mo lang, kuhanan kita kape" sinenyasan niya sina kuya Hash bago siya bumalik sa batur nila.

Kinain naman kami ng katahimikan na maging ako ay walang mabring up na topic.

"Morning" may kinuha si Vorg sa bulsa niya bago iyon inilapag sa harapan ko.

"Para sa akin?" tanong ko at tumango naman siya "Thank you!"

Kinuha ko naman 'yung tinapay na inabot niya saka mabilis na kumagat doon, kung may ilalawak pa ang ngiti ko ay itinodo kona dahil ang sarap nung tinapay.It was a pancake with butter and sugar on top.

"Morning guys, morning bebs" nagulat naman ako nang humalik sa pisngi ko si Riva na bagong dating at kinukusot pa 'yung mata.

Umupo siya sa kaninang inuupuan ni kuya West.

"Good morning Riva, gusto mo pancakes?" alok ko pero umiling siya.

"Dark coffee bebs want ko" aniya kaya natawa ako.

"Sabihan ko si kuya sa batur nila—" both kuya Hash and Vorg cut my words off.

"I'll come with you" suhestiyon nila pero umiling ako.

"Kaya ko na po" sabi ko at tuluyang tumayo.

Nakita ko pang humikab si Riva kaya naman nahawa ako, nang pabalik ako sa mga rooms ay nasalubong ko pa sa daan si kuya.

"Ito na 'yung kape mo ah?" tanong niya kaya ngumiti ako.

"Thanks kuya pero gusto rin ni Riva ng dark coffee" napatango tango naman siya.

"Kuha ka roon sa baba lil sis, nakapagpainit na ako" tumango naman ako.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now