CHAPTER 42

55 24 7
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE POVENMIRE

HINDI naman kinayanan ng mga mata ko ang antok kanina kaya nakatulog na ako, nagising ako sa sarili kong kuwarto na hindi naman ako nahirapang i-recognize.

Why did I woke up?Because I am having a hard time breathing, panay ang ubo ko kaya tumakbo ako sa bathroom at nanguha ng kung anong madakot kong tela saka iyon binasa at tinakip kaagad sa bibig at ilong ko.

"Papa!Kuya!" sigaw ko ngunit isang malakas na pag-bagsak lang ang narinig ko

Ano bang nangyayari?Pumunta ako sa side table at kinuha ang salamin ko at agad 'yong sinuot, punong puno ng usok ang kuwarto ko kaya sinubukan kong patayin ang aircon dahil akala ko'y doon nanggagaling 'yon.

Lalo lang dumami ang usok nang gawin ko 'yon, lumapit naman ako sa kurtina sa iisiping kapag binuksan ko ang bintana ay magiging ayos din ang lahat pero halos hindi ako makakibo sa nakikita ko.

A balcony ng kuwarto ay nagli-liyab ang lahat ng halaman doon maging ang floor ora mismo dahil mukha ring may gasolina doon, hindi ko din mabuksan ang pinto ng balcony dahil maging iyon ay lumiliyab.

"La!" sigaw ko dahil nakasanayan kong tawagin si lola nang mag-liyab na din ang kurtina ngunit agad ding pumasok sa utak ko na matagal na siyang wala

Sa kasamaang palad ay napaso ako kaya hindi ko din maiwasang mapaluha ng kaunti dahil sa sakit na epekto non sa balat ko, ramdam na ramdam ko ang hapdi na epekto nito.

Panay naman ang ubo ko at sinubukan ding tumakbo palapit sa doorknob pero nang akmang hahawakan kona 'yon ay bigla itong nilamon nalang ng apoy at sinimulang gawing kulay itim na tila ba isang sunog na pagkain.

Nang bumagsak ito ay nakita ko naman ang labas na parte ng bahay malapit sa hagdan, bukas at sunog na din ang kuwarto ni kuya pero walang ka-tao tao doon at bukas din ang balcony niya.Hindi naman ako makadaan at may apoy sa pagitan ng pinto.

Pumasok ako sa comfort room dahil hindi pa 'yon inaabutan ng apoy at ibinuhos sa sarili ko ang maraming tubig para hindi ako himatayin sa init.Lumabas din ako kaagad dahil baka ma-trap naman ako sa loob non.

"Papa!" sigaw ko nalang ngunit wala akong makuhang sagot mula sakanila

Safe ba sila?Please, sana naman ay ligtas silang dalawa ni kuya at nakalabas na sila ng bahay.Kinuha ko ang makapal kong kumot at sinubukang patayin ang apoy sa gitna ng pinto pero nasalo lang ng kumot ang apoy kaya naihagis ko ito.

Agad naman itong tumama sa closet kaya lumipat rito ang apoy, hindi ko naman mare-resolba ang lahat ng apoy na kumakalat sa kuwarto at buong bahay kahit gamitin kopa ang tubig sa banyo kaya sarili ko nalang ang binasa ko.

"Ah!" sigaw ko nang bumagsak ang ilang kahoy na parte ng kisame sa harap ko mismo

Bakit nagkaka-ganito ang bahay?Sino namang susunog dito?Alam kong sinunog ito sa paraang planado dahil hindi puwedeng magkaroon ng gasolina sa floor ng balcony ko kung nasunog ang bahay dahil sa kalan o ano pa mang device.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now