CHAPTER 27

68 25 0
                                    

WESTER HEIGL SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WESTER HEIGL SALGUERA

NILINGON ko saglit si Alya na nasa entrance ng hospital bago ko binalingan ulit si Mox at kaagad itong binalaan.

"Stay away from us, we don't want you around" saad ko bago siya iniwang tulala doon

Lumapit naman ako kay bunso at agad na inalok ito ng almusal para lang ibahin ang usapan, masiyado namang malayo ang distansya kung kaya't siguradong hindi niya naman 'yon narinig.

"Anong gusto mong almusal bunso?Gising na ba si lola?" tanong ko at umiling naman siya

"Hindi pa kuya pero may malapit yatang bilihan diyan" saad niya at tinignan ang tapat ng ospital

"Kumuha muna tayo ng jacket para hindi kana sipunin" hindi naman na nag-dalawang isip na sumang ayon si Alya saakin

Bumalik muna kami sa kuwarto namin para kuhanan siya ng jacket dahil sa malamig ngayong umaga, hinalikan ko muna sa noo si lola na siyang natutulog pa bago kami tuluyang lumisan sa ospital para makapag-almusal.

Thinking about what Mox said, ang sabi ni lola ay planado raw ako kaya siguro naunang nagka-anak si mama kay papa ko pero mas matagal ang relasyon nila ni Mox.Ayokong husgahan si mama dahil ina ko pa rin siya but it has to be said, ang sakit maging anak niya.

Pinabayaan at itinapon niya kami kay lola na para bang isang damit na ayaw niya nang i-suot dahil hindi bumabagay sakaniya, she let us live without any parents or even father.She left us like we're some objects that cannot be used anymore.

It hurts but we're fine now, hindi na namin kailangan pa ng parents maliban kay lola at inang kaya kung ngayon pa lang babalik si Mox ay wala na siyang lugar sa buhay namin.Wala na siyang puwesto at wala na siyang karapatan pang tawaging anak si Alya dahil kahit kailan ay hindi naman siya naging ama.

"Kuya?Ayos ka lang ba?" tanong ni Alya habang tumatawid kami na nakapag-pabalik saakin sa wisyo

"Oo naman, nagugutom kana ano?" nakangiti kong tanong para naman hindi na siya mag-alala pa

"Ano bang gusto mong ulam kuya?Adobong manok?" tumango tango naman ako

"Syempre, pareho tayo ng paborito eh" sabi ko na nakapag-pangiti naman sakaniya

Sakto pang naka-pasok na kami sa karinderya at kaagad naman kaming sinalubong ng tindera doon.

"Magandang umaga po" sabay naming bati rito kaya ngumiti ito

"Tara dito mga ijo at ija, anong gusto n'yong ulam?" alok nito saamin

"Adobong manok po sana, two orders" si Alya na ang sumagot

"Sige sige, umupo muna kayo at hintayin n'yo lang — inumin?Ayaw niyo ba ng inumin?" tumingin naman saakin si Alya nang dahil doon

"Tubig nalang po muna, masiyado pa pong maaga para sa softdrinks" nakangiti kong sagot kaya natawa ito

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon