CHAPTER 31

68 23 0
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE SALGUERA

IMINULAT ko ang mga mata ko at napansing may naka-kumot saakin, tinignan ko ito at isa itong white coat.Lumingon naman ako sa kanan ko at nakita ko si Doc Mox na natutulog habang ang isang kamay niya pa ay nasa manibela.

Naalala ko naman si kuya kaya agad kong dinampot ang phone ko sa suot kong damit nung nasa karaoke bar ako dahil nakapag-palit nanga pala ako.

57 missed calls, 132 unread messages

Napanganga naman ako nang dahil doon, I checked all the missed calls at lahat sila ay galing kay kuya.I opened all the messages and it was all from kuya scolding me, rather, looking for me.

Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock 'yon, sakto namang nagising si Doc Mox kaya kaagad niya akong nilingon.

"Are you going out, Rette?" inaantok niyang tanong

Kinapa kapa niya naman ang bulsa niya at nang mahanap ang susi ng kotse ay kaagad niyang tinanggal ang pagka-lock non.

"Thank you.." saad ko at mabilis na lumabas ng sasakyan

Napahinto ako dahil nasa tapat pala kami ng ospital, hindi ko naman maiwasang tumingin sa oras na siyang naka-display sa phone ko dahil sa pag-aalala sa reaksyon ni kuya kung sakali mang makita niya ako.

1:32 AM

Napa-hampas naman ako sa sarili kong noo nang mabasa ang oras na 'yon dahil sobrang late na pala talaga, dapat ay midnight nasa ospital na ako - I mean kanina pa ako nandito pero hindi ako pumasok sa loob.

Akmang papasok na ako sa entrance ng ospital nang may makita akong pamilyar na bulto sa isang bench, tumakbo ako palapit doon at nag-lakas loob na tapikin ang balikat ng taong 'yon.

"Bunso?" saad niya din sa inaantok na boses

Kinusot naman nito ang sariling mga mata at nang mamukhaan ako ay dali dali naman siyang tumayo saka ako niyakap ng mahigpit.

"Bunso?Saan ka ba nanggaling?Nawala ka raw sa bar sabi ni Mateo - bakit ibang damit na suot mo?Ayos ka lang ba?" sunod sunod niyang tanong kaya ngumiti ako at niyakap siya pabalik

"Ayos lang ako kuya, si lola kamusta?" pag-iiba ko ng usapan

Wala na akong balak sabihin kay kuya ang nangyari kanina sa trabaho, masiyado na siyang puno ng iisipin at ayaw ko nang dumagdag pa.

"Nasa loob.." humina naman ang tono nito at tumingin sa likod ko nang magkaroon kami ng distansya "May kailangan ka ba?"

Lumingon naman ako at nakita kong si Doc Mox 'yon na siyang nakahawak na sa sariling batok ngayon dahil sa hiya kay kuya, nang lingunin ko naman si kuya ay halata ang inis sa ekspresyon nito.

"Wala.. sorry" dahan dahan naman itong umatras at nag-bigay ng malaking distansya mula saamin kaya tinapik ko naman si kuya

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now