Chapter Ten

46.2K 1.1K 45
                                    

"Joy!" tili agad ni Jacky pagkakita pa lang sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad saka sinalubong ang yakap ng kaibigan. Ilang buwan din silang hindi nagkita kaya naman halata ang excitement nito. Bukod pa sa malamang ay naho-homesick na 'to at broken-hearted pa.

"Na-miss kita ng sobra! Lagi ka na lang kasing nawawala!" sabi pa ni Jacky pagkahiwalay ng yakap sa kanya.

"Ganun talaga!" sabi niya lang.

Tumingin si Jacky sa likod niya at noon niya lang naalalang may kasama nga pala siya.

"Oo nga pala Jacky, si Ian. Ian, si Jacky kaibigan ko," pagpapakilala niya sa dalawa.

"Hi! Nice to meet you!" sabi ni Jacky at iniabot pa ang kamay kay Ian. Kinuha naman 'yun ng huli at magalang na ngumiti.

"Hindi mo naman sinabing may kasama ka pala! Iisa lang ang bakanteng kwarto sa apartment," si Jacky.

Actually, nag-insist si Jacky na doon na lang siya mag-stay sa apartment nito para mas matagal silang magkasama. Hindi niya naman nai-kwento rito kung bakit siya nasa US. Inakala lang nitong nagliliwaliw na naman siya.

"Okay lang naman d'yan kay Ian matulog sa sala." Bumaling siya kay Ian. "'Di ba, sweetie?" aniya sabay tawa. Tinatawag nya itong "sweetie" sa tuwing nang-aasar siya.

"O, mag-jowa kayo?" gulat na tanong ni Jacky.

Mukhang wala pang nai-ku-kwento rito ang tatlo pa nilang kaibigan base sa mga reaksyon nito.

"Hindi 'no! May girlfriend ako sa 'Pinas. Mukhang hindi ka pa naku-kwentuhan ng mga bruha a?" aniya.

Umiling si Jacky. "Medyo busy e. Alam mo naman, bago pa lang ako rito. Saka ayoko namang ma-disappoint si Jace sa akin."

Nagkibit lang ng balikat si Joy.

Sa buong biyahe nila papunta sa apartment ni Jacky ay tanong ito ng tanong tungkol sa kanila ni Ian. Sinasagot niya naman 'yun at sa bawat sagot niya, hindi mapigilang matawa ni Jacky.

"Ginawa talaga sa'yo ni Kuya Pat 'yun? Pero kunsabagay, kanino niya pa ba maipagkakatiwala ng husto ang nag-iisang kapatid niya kundi sa best friend niya 'di ba? Wala naman na sigurong masama roon. E wala ka namang boyfriend at halatang wala kang balak maghanap. Malay mo naman in the future ma-in love din kayo sa isa't-isa 'di ba? Sayang kaya lahi mo kung hindi ka mag-aasawa," tuloy-tuloy na sabi ni Jacky.

"In love na sa'kin 'yan," sabi ni Joy sabay turo kay Ian.

Napatitig si Jacky kay Joy sabay tingin kay Ian.

"Tsk! 'Wag kang magpapaniwala d'yan. Amsbisyosya lang 'yang kaibigan mo," sabi ni Ian.

"Ako pa talaga ang ambisyosa ha? E kung isa-isahin ko kaya ang mga ebidensyang in-love ka sa'kin?" ani Joy.

"Hoy! Hindi ebidensya ang mga 'yun! Nag-aassume ka lang!"

"H'we? 'Di nga? May pa sabi-sabi ka pa kayang 'I think I'm falling for you' tapos nag-aassume ako? Neknek mo!" sabi niya at nag-belat pa kay Ian.

"Kita mo 'to. Paulit-ulit mong bino-brought-up 'yan. Ngayon, sigurado na akong ikaw ang in-love sa akin!"

Magsasalita pa sana si Joy nang magsalita si Jacky.

"Ang cute niyo," ngiting-ngiti na sabi ni Jacky. "Bagay kayo, promise. Saka Joy, in fairness ha, improving ka!" kinurot pa siya ng kaibigan sa tagiliran saka nakangiting nag-thumbs-up kay Ian.

"Ano bang pinagsasasabi mo d'yan, Jacky?"

"Ayun o! Namumula silang pareho! I smell romance!" Pumikit pa si Jacky saka suminghot ng hangin saka nang-aasar na ngumiti sa kanila.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon