Chapter Thirty Two

45.3K 1.1K 96
                                    

"Bakit hinahayaan mo 'tong magluto? Baka bukas niyan sa kalsada na kayo nakatira!"

Napatingin si Joy sa pinto ng kusina nang marinig ang boses ng kapatid na si Patrick. Sa tabi nito ay si Ian na ngingiti-ngiti lang.

"At anong ginagawa rito niyan?" tanong niya naman kay Ian.

Naiiling na lumapit sa kanya si Ian saka yumakap sa beywang niya.

"May pupuntahan lang kami ni Pat. Don't worry, kakain muna kami. Matagal pa ba 'yan?" anito na ang tinutukoy ay ang niluluto niya.

Ngumiti siya. "Sandali na lang 'to. Doon muna kayo sa sala. Tatawagin ko na lang kayo," aniya.

Nag-thumbs-up si Ian saka bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Patrick saka itinuro ang sala.

Ngayon niya lang sinubukang iluto ang recipe na 'to. Nakita niya lang sa TV at ginaya niya lang. Sana nga lang, masarap ang kalabasan.


~*~


"Ang dami mo namang arte!" tumatawang sabi sa kanya ni Patrick.

"Bro, isang beses ko lang 'to gagawin sa buong buhay ko kaya dapat, perfect lahat. Suportahan mo na lang ako. 'Wag mo na akong pagtawanan d'yan!" aniya.

"E para ka kasing babae! Lahat na may arte. Pati ba naman—"

Mabilis na natakpan niya ang bibig ni Patrick bago nito masabi ng malakas ang binabalak niya. Sakto pang paglabas ni Joy mula sa kusina.

Napabuga siya ng hangin nang mapatingin sa dalaga.

Muntik na!

"Luto na 'yung pagkain!" tawag sa kanila ni Joy.

Tinapik niya agad sa balikat si Patrick kasabay ng pagtayo. Pero bago pa ito makahakbang, binalaan niya agad ang kaibigan.

"Umayos ka ha, baka madulas ka. Lulunurin talaga kita sa lababo!" aniya na ikinatawa lang ni Patrick.

Pagdating nila sa kusina, nagsasandok pa lang si Joy ng ulam. Nasa mesa na ang kanin kaya naman kumuha na agad sila nun.

"Anong ulam ang niluto mo?" tanong ni Patrick sa kapatid.

Sandaling lumingon si Joy sa kanila saka nagpatuloy sa pagsasandok.

"Chicken in soy and vinegar stew with pineapples," anito.

"Wow! Mukhang masarap sa pangalan pa lang a? Saang bansa naman 'yang dish na 'yan?"

Hindi sumagot si Joy. Lumapit na lang ito sa kanila saka ibinaba ang bowl ng ulam sa mesa. Nangingiting kumuha ng ulam si Ian saka nagsimulang kumain.

Si Patrick, nakatitig pa rin sa ulam na niluto ng kapatid nito.

Mayamaya ay kumuha na rin ito at tinikman 'yun. Natawa na lang siya sa naging reaksyon nito. Tinignan nito ng masama si Joy saka nagpatuloy sa pagkain.

"May 'chicken in soy and vinegar stew with pineapples' ka pang nalalaman. Adobo lang pala na nilagyan ng pinya. Pasalamat ka masarap 'tong luto mo," ani Patrick habang sumusubo.


~*~


Busy si Joy sa ginagawa niya nang maka-receive ng isang text message. Sa pag-aakalang si Ian 'yun, excited pa na binuksan niya ang mensahe. Pero napa-kunot lang ang noo niya nang malamang si Rihanna iyon.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon