Special Chapter # 3

51.1K 866 81
                                    

The Marriage Plan Scenes

Ian's POV

"Bakit ganyan mga mukha niyo? Hoy, malayo pa Biyernes Santo!" bungad sa amin ni Brad pagkarating niya.

Narito kami ngayon sa condo ni Lander dahil nagyaya ng inuman si Patrick. Minsan lang 'yan magyaya kaya naman sumugod agad kami rito.

Walang sumagot sa amin sa tanong ni Brad.

"Problema, bro?" tanong naman ni Lander kay Patrick. Dahil siya ang nagyaya, malamang na siya ang may problema. Though may iniisip rin naman ako pero hindi naman 'yun matatawag na problema.

"Bumabagsak na 'yung kompanya, bro. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko," sabi ni Patrick. "Kung nabubuhay lang si Papa, siguradong madi-disappoint siya sa nangyayari."

Napatitig kaming tatlo kay Patrick dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na may problema pala ang kompanya nila. Kunsabagay, magaling naman kasi magdala si Patrick. Kahit na may problema na hindi mo pa rin mahahalata.

"Anong nangyari?" si Brad.

"Si Ninong Art..."

Ikinuwento ni Patrick kung anong ginawa ng Ninong Art niya. Nagtangay pala ito ng malaking halaga mula sa kompanya nila bago nawalang parang bula. Hindi rin naging maganda ang imahe ng kompanya dahil sa ginawa nito at may ilang investors na rin ang umatras. May ilan pang nagbabalak na umalis.

Hindi makapaniwala si Patrick sa nangyari dahil pinagkakatiwalaan niya ito ng lubos. Kahit ang ama niya, tiwalang-tiwala rito.

Natahimik lang kami pagkatapos ng sinabi niya.

Si Lander, naglabas na ng ilang bote ng alak at ng ilang snack na mapupulutan.

Napa-isip ako. Kung tutuusin, pwede ko siyang tulungan. Pero kakausapin ko na lang siguro siya pag kaming dalawa na lang.

Nakaka-ilang bote na rin kami ng ako naman ang i-hot seat ni Lander.

"Ikaw naman bro, anong problema? Kanina ka pa mukhang iritable simula nang dumating ka e," tanong nito.

Napa-iling ako saka naalala ang mga sinabi ni Mama kanina.

"Si ermats, bro. Pinipilit na akong magpakasal. Tsk! Ang bata ko pa. Ni hindi pa nga ako nag-eenjoy sa pagka-binata ko kasal na agad?" sabi ko.

Naalala ko pang sinabi ni Mama na kinakausap niya na ang mga kaibigan para may maipakasal sa akin. Sa sobrang inis ko, nag-walk out na lang ako kanina habang nagsasalita si Mama.

Ilang beses niya na rin akong ipinakilala sa anak ng kung sino-sino at inireretong maging girlfriend ko pero ni isa roon, wala akong pinatulan. Mas malala lang ngayon dahil mapapangasawa na ang hinahanap ni Mama.

"Bakit hindi mo subukang kilalalin ang ipapakilala ng Mama mo? Malay mo naman makasundo mo at eventually, mahalin mo rin," sabi ni Brad bago tumungga ng alak.

Umiling agad ako. Wala akong ibang babaeng gusto. Hangga't alam kong may pag-asang maging sa'kin ang babaeng 'yun, hinding-hindi ako titingin sa iba. O baka nga kahit na wala nang pag-asa wala pa ring mangyari sa'kin. Naka-ukit na ata sa buong pagkatao ko ang pangalan ng babaeng 'yun.

"May point si Brad, bro. Bakit hindi mo subukan? Baka sakaling mawala 'yang pagiging terror mo sa mga empleyado mo," si Patrick.

"What?" sabi ko agad. "Who told you that? I'm not like that," depensa ko. Though alam kong totoo naman ang sinasabi niya. Nakuha ko kay Papa ang ganoong pagpapatakbo ng kompanya dahil siya ang nagturo sa akin. Si Mama ang ayaw ng paraan naming 'yun.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon