Chapter Thirty Seven

35.8K 873 38
                                    

Napapansin ni Joy ang makahulugang tinginan ng Mama at Papa ni Ian sa hapag habang nagbe-breakfast sila. Pati si Tine, tahimik lang sa umagang 'yun.

Hindi na siya nagtataka dahil siguradong narinig ng mga ito ang pagtatalo nila ni Ian nang nagdaang gabi. Tahimik na lang na kumain sila.

Nang matapos kumain, tumayo agad si Ian. Pero sa gulat niya, lumapit ito sa kanya bago siya pa-smack na hinalikan sa mga labi. "I'll be going," anito.

Tumango siya ago hinawakan sandali ang kamay nito.

"Take care," aniya.

Tipid na ngumiti ito sa kanya bago tuluyang umalis. Bigla siyang na-guilty dahil doon. Pero hindi pa rin nawawala sa isip niya na nagiging unreasonable ito sa hindi pagpayag na makipagkita siya kay Rei to think na gusto niya naman itong isama. Sigurado ring hindi pa alam ni Rei na magpapaksal na sila at hindi naman magandang sa telepono niya lang ibalita ang bagay na 'yun sa best friend niya.

Bumalik siya sa kwarto niya nang matapos kumain. Tatawagan niya na lang si Rei para ipa-reschedule. Kakausapin niya uli si Ian at baka sakaling pumayag na ito sa susunod.

Tatlong ring lang, sumagot na si Rei.

"Hey, babe! Napatawag ka?"

"Uhm, Rei? Ano kasi... pwedeng ipa-reschedule 'yung mamaya?"

"Naku, babe naman! Hindi pwede. May ipakikilala ako sa'yo mamaya e."

"'Di ba pwedeng next time?" pagpipilit niya.

"My wife will go to Australia tomorrow. Next month pa ang balik niya rito. Gusto kong magkakilala na kayo e. Saka excited na rin siyang ma-meet ka!"

Napatigil siya bigla sa sinabi nito. Hindi niya alam na may asawa na ito. Wala itong nabanggit nang huling nag-usap sila sa telepono.

"Er, wife?" tanong niya.

"Yeah? Haven't I told you?" Narinig niya pa ang mahinang tawa nito sa kabilang linya. "Sorry I forgot to mention. Yes, I'm married. Two years na, actually."

"You didn't invite me?"

"Sorry na."

"Samantalang ako, handa pang makipagtalo sa fiancè ko para lang maimbitahan ka sa kasal namin ng personal?! That's not fair!" aniya.

Ito naman ang natigilan sa kabilang linya.

"W-wait... whoah! You're getting married? Like, seriously?"

"Ano namang akala mo, walang magkakamali sa'kin?" aniya.

Tawa ito nang tawa sa kabilang linya. Hinintay niya pang huminto ito sa katatawa. Nang sa wakas ay magsasalita siya, naunahan naman siya nito.

"Who's the unlucky guy?"

Pina-ikot niya ang mga mata sa sinabi nito bago sumagot.

"Ian Lim."


~*~


"You came!" bati sa kanya ni Rei pagkarating niya sa restaurant na pina-reserve nito. Dahil gusto niya na talagang makilala ang asawa nito, pumunta siya.

Nagpa-alam pa uli siya kay Ian kanina at yayayain niya sana ito pero bigla na lang nitong sinabi na "bahala ka!" kaya naman heto siya at itinuloy ang pakikipagkita.

"Honey, this is Joy, my childhood best friend. Joy, this is my very beautiful wife, Aaliyah," pagpapakilala ni Rei sa kanilang dalawa ng asawa nito.

Hindi nag-eexagerate si Rei nang sinabi nitong sobrang ganda ng asawa nito. Kung tatanungin nga si Joy, kulang pa ang sobrang ganda para i-describe ang babae. Kung titignan, halatang wala ni kaunti itong dugong Pinoy.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon