Chapter Fifteen

39.3K 978 34
                                    

"Salamat sa lahat," ani Joy kay Ian.

Seryosong tumingin sa kanya ang binata saka dahan-dahang lumapit.

"Salamat? 'Yung lang? Salamat?" Tumingin pa ito sa kisame na tila nahihirapan. "Pagkatapos ng lahat 'yan lang ang sasabihin mo? Salamat?" Umiling pa ito saka pumikit ng mariin. "Ano ba ako sa'yo? Ganun ganun na lang ba 'yun?"

Napatitig na lang siya kay Ian. Hindi niya alam kung anong pinagsasasabi nito. At lalong hindi niya alam kung paano mag-re-react. Mukha kasi itong tanga.

"Joy, ang tagal kong naghintay. Ang tagal kong nag-tiis. Tapos basta mo na lang itatapon lahat ng pinaghirapan ko? Ganun na lang?"

Hindi na napigilan ni Joy at ibinato niya rito ang throw pillow saka tumawa. Nasalo naman nito 'yun at nakitawa sa kanya.

"There. Tumawa ka rin." Ngumiti pa nang malapad si Ian. "I'll go make us dinner," anito saka nagpunta sa kusina.

Na-iiling na lang na tinignan ni Joy ang palayong imahe ni Ian.

At least napangiti siya nito kahit na mukha talaga 'yung tanga kanina. At sobrang na-appreciate niya ang ginawa ng binata.

Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala ang pagka-reject ng manuscript niya. Ang sakit pala. Pinag-hirapan niya kasi ng ilang gabi 'yun tapos na-uwi lang sa wala. Nag-buntong-hiniga na lang siya at nahiga sa sofa.

~*~

"Anong problema?" tanong ni Ian nang tahimik pa rin si Joy kahit na nakakain na ito. Kadalasan, tatango lang ito at tipid na ngingiti sa mga kwento niya. "MJ? Please tell me what's wrong. Iiwan mo na ba ako?" biro niya.

Ngumiti naman ng bahagya si Joy saka umiling. "Sira, hindi 'no." anito.

"Sabi mo 'yan ha. Hindi mo 'ko iiwan." Kumindat pa siya rito pagkatapos sabihin ang patotoong biro niya. Ayaw niya naman kasi talagang iwan siya ng dalaga.

"Oo na. Hindi naman kita iiwan e."

Nagulat siya sa sinabi ni Joy kaya napatitig na lang siya rito. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Hindi niya inaasahang sasabihin ni Joy na hindi siya iiwan nito.

"Isara mo nga 'yang bibig mo! Pasukan 'yan ng langaw sige ka!"

Doon lang natauhan si Ian at napangiti na lang nang malapad. Natahimik na lang siya habang hindi makatingin ng deretso kay Joy.

Ganun lang sila nang ilang sandali hanggang sa magsalita si Joy.

"Rejected 'yung manuscript ko," malungkot na sabi nito.

Napa-angat agad ang likod niya sa narinig. Hindi pumasok sa isip niya na 'yun pala ang ikinalulungkot nito. Malungkot na tumingin sa kanya ang dalaga at ngumiti ng mapait. Ramdam niya ang lungkot na nararamdaman nito.

Huminga nang malalim si Joy saka ngumiti uli.

"Okay na 'yun! 'Wag mo na lang pansinin 'yung sinabi ko. Hindi siguro talaga para sa akin ang pagsusulat," anito pa.

Gusto niya mang sabihin na nagkamali ang publishing company na 'yun sa hindi pagkuha sa dalaga, hindi niya magawa. Alam niya namang hindi nun mapapagaan ang nararamdaman nito.

Kinuha niya na lang ang isang kamay ni Joy at hinawakan 'yun nang mahigpit.

"Gumawa ka na lang ulit. Magsulat ka lang nang magsulat hanggang sa tanggapin nila ang kwento mo. 'Wag mong isuko 'yan. Unang beses ka pa lang namang sumubok 'di ba? Walang perpekto sa simula, Joy. I'm sure sa susunod, kukunin ka na nila. At sigurado akong mamahalin ka ng marami dahil sa mga isusulat mo," aniya.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon