Chapter Forty Seven

46.6K 817 9
                                    


"Dahan-dahan lang, sweetie," ani Ian sa kay Joy habang nakatakip ang kamay nito sa mga mata niya. Ang isang kamay naman nito ay naka-alalay sa isa niya pang kamay.

"E bakit kasi kailangan pang nakatakip? Para namang hindi ko pa nakikita 'yung bahay natin," aniya.

Ngayon lang sila bumalik ng syudad pagkatapos ng isang buwan mahigit na pamamalagi sa Tagaytay. Nag-extend pa sila ng ilang linggo roon dahil ayaw pang umuwi ni Ian.

Lahat ng gamit nila, naibalik na sa dati nilang bahay mula sa mansyon ng mga Lim. Dito na sila dumeretso pagkarating ng Maynila.

"Pina-renovate ko nga remember?" ani Ian sa tenga niya. Napapitlag pa siya dahil nagulat sa pagbulong nito sa mismong tenga niya. "Parang bago na 'to. Sandali lang," anito sabay pinatigil siya nang maka-akyat sila ng tatlong baitang na hagdan. Alam niyang nasa harap na sila ng main door. "Wag ka munang didilat ha!" sabi ni Ian habang inaalis ang kamay sa mga mata niya.

"Oo na," aniya na lang saka mariing ipinikit ang mga mata.

Naramdaman niya ang pagbubukas nito ng pinto ng bahay nila.

"Okay. Pwede ka nang dumilat," narinig niyang sabi ni Ian.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Medyo nasilaw pa siya sa liwanag kaya naman sinanay niya muna ang mga mata.

Nang tuluyan nang makadilat, natutuwang inilinga niya ang paningin sa bahay nila. At tulad nga ng sabi ni Ian, malaki na ang ipinagbago nun nang ma-renovate.

"What do you think?" tanong ni Ian habang nakatitig sa kanya.

"I love it," aniya.

Pumasok siya sa loob at tinignan ang pagbabago. Naroon pa rin ang ilang gamit dahil bago naman 'yun nang lumipat sila dati pero marami ang nabago sa mga furniture. Pati ang hagdan, malaki ang ipinagbago at mas nagmukha pang elegante. Sa dingding ng sala ay may nakasabit na tatlong malalaking pictures. Nasa gitna ang kasal nila nitong huli, sa kaliwa ang pinaka-unang picture nila nang mga bata pa sila, at sa kanan ang picture ng pekeng honeymoon nila sa New York.

Nakatitig siya roon ng yumakap si Ian mula sa likod niya.

"Ayaw mo ba 'yung pictures? Pwede naman nating papalitan," anito.

"No. It's fine. I like it. Ikaw ba ang namili ng mga pictures?" tanong niya.

Tumango lang ito at hindi nagsalita.

"By the way, pinapalitan ko 'yung mga furnitures," ani Ian.

"Yes, I noticed." Tumango-tango siya. "Maganda 'yung mga ipinalit," aniya pa.

"Pinagawa kong child friendly," ngiting-ngiti na sabi ni Ian. "Sabi kasi nung interior designer na kinuha ko, pang-bachelor ang design ng bahay. Kaya ayan, nai-make-over niya."

"Well, I agree with her... wait is it girl?" tanong niya.

"Uhm... sort of," ginalaw pa nito ang mga kamay na parang hindi sigurado.

Tinignan niya ng mataman si Ian na parang tinatanong kung anong ibig nitong sabihin.

"The name's Michael. But preferred to be called Michelle," sabi na lang nito.

"Oh! Okay. I get it. Let's see the kitchen?" aniya.

Natatawa na lang na tumango ito.

"I know what you mean. Okay then. Let's go!"

~*~

"Tara sa likod," ani Ian.

Katatapos lang nilang kumain dahil nagutom sila sa biyahe. Binibiro pa siya ni Ian kanina na sa kusina niya lang naman talaga gustong pumunta.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon