Chapter Thirty Six

36.1K 816 52
                                    

"CR..." 'yun na lang ang nasabi ni Joy sa dami nang sinabi ng bagong dating.

CR ang tawag niya rito dahil sa buong pangalan ng kababata. Christian Rei Lucerio. Kung tutuusin, never niya pa itong tinawag na Christian. Kung hindi CR, Rei ang tawag niya.

"Yup! This is me! Lalo akong gumwapo 'no?" anito sabay kindat pa sa kanya.

Hindi niya na napigiang matawa sa ginawa nito. Hanggang ngayon pala, mapagbiro pa rin ito. Pero tama naman ang sinabi ng binata, lalo nga itong gumwapo.

"By the way—"

Bago niya pa matuloy ang sasabihin, pinutol na agad 'yun ni Rei. Inabutan agad siya ito ng papel.

"I need to go. Male-late na kasi ako e. Let's keep in touch."

Alam niya nang ibig sabihin nitong isulat niya ang number niya. Nagkibit siya ng balikat at isinulat naman doon ang numero. Tutal, balak niya rin namang imbitahin ito sa kasal nila ni Ian. 'Yun sana ang sasabihin niya nang putulin nito ang sinasabi niya kanina.

"Got it!" anito pa nang i-abot niya ang papel. "See you soon, babe!" Niyakap siya nito uli bago nagpa-alam ng tuluyan. "See you around, bro," anito naman kay Ian.

Sinundan pa nila ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng restaurant. Nang mawala ang lalaki sa paningin nila, sabay silang naupo ni Ian.

"So... Christian, huh?" ani Ian.

Tumango siya. "Yeah, you've known him since we were young, right?" aniya saka bumaling sa waiter na kararating lang para i-serve ang pagkain nila.

Mga bata pa man sila, isa na sa paboritong asarin ni Ian si Rei. May isa pa nga siyang naaalalang pagkakataon na ikinulong nito ang matalik niyang kaibigan sa basement ng bahay nila. Galit na galit noon ang mga magulang ni Rei at gustong ipa-pulis si Ian. Mabuti na lang, napigilan ni Rei ang mga magulang niya at sinabing ayos lang naman siya.

Tahimik na sila nang mga sumunod na sandali. Hanggang sa dumating si Patrick galing sa comfort room ay wala nang umimik sa kanila.

"Sorry medyo natagalan. Kausap ko lang 'yun dapat na ka-date ko—" Napatitig sa kanilang dalawa ang kuya niya nang mapansing ang tahimik nila. "May problema ba?" tanong nito.

Umiling agad siya. "Wala naman, kuya. Kumain ka na d'yan," aniya.


~*~


Hindi na napag-usapan ni Ian at Joy ang biglang pagsulpot ni Rei noong nakaraang araw. Isang linggo mahigit na rin ang nakalipas simula noon. Hinihintay ni Ian na mag-kwento si Joy pero wala itong sinabing kahit na ano.

"Uhm, boss? Okay lang po kayo?" narinig niyang sabi ni Louie.

"What do you want?!" pabalang na sabi niya. Sanay na sanay na sa kanya ang assistant niya. Isang linggo na ring mahigit siyang nagkakaganito e.

"Ah, eh... Papipirmahan ko lang po sana 'to?" anito sabay pakita sa kanya ng papeles.

"Leave it there!" Medyo may inis pa ring sabi niya.

Sumunod naman ang assistant niya at inilapag ang papeles sa mesa niya. Kapagkuwan ay lumabas na ito ng opisina niya.

Sinimulan nang basahin ni Ian ang papeles pero hindi siya maka-concentrate. Hindi maalis-alis sa utak niya ang lalaking 'yun at ang sinabi nito.

I'm here to fulfill my promise.

"Ugh!"

Inis na ibinaba niya ang papeles sa mesa at marahas na tumayo. Inihilamos niya ang kamay sa mukha saka bumuga ng hangin.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon