Special Chapter # 2

34.6K 662 26
                                    

Unedited. Sorry sa typos.

*****

Valentine's Day Scene



Ian's POV


"Bro, valentine's day na bukas. Anong plano?" tanong ni Lander.

"Wala. Gusto mo bang mag-date tayo?" pang-aasar ko sa kanya.

"Kadiri ka, pre!" aniya sabay bato pa ng throw pillow sa akin.

Nandito ako ngayon sa unit niya dahil wala akong magawa. Linggo ngayon at busy masyado si Patrick sa resto niya kaya hindi ko maistorbo. Baka masapak na ako pag ginulo ko na naman siya e.

"Sino bang ide-date mo bukas?" tanong ko.

Taon-taon naman kasing may date 'yang si Lander. Never pa 'yang nabakante.

"Si Suzy. Niyaya ko kahapon. Um-oo naman kaya ayan, may date na 'ko," aniya.

"Sino naman 'yang Suzy na 'yan?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig sa kanya ang pangalan na 'yun.

"Pinsan ni Lucas. 'Yung classmate natin nung college, remember him?"

Tumango na lang ako. Si Lucas 'yung isa sa mga naging ka-close ni Lander 'pag hindi kami kasama.

"Ikaw ba, kailan mo yayayain 'yung kapatid ni Pat?" tanong niya.

Ako naman ang bumato sa kanya ng throw pillow.

"Gago! Gusto mong mapatay ako ni Patrick?" sabi ko na lang.

"Bakit naman? Ano namang masama dun? Ide-date mo lang naman e!"

"'Yun na nga e. Ide-date ko. 'Yun ang ayaw ni Patrick. Alam mo naman kung gaano 'yun ka-protective sa kapatid niya."

Tumawa siya nang malakas saka umiling.

"Paano ka makaka-porma niyan e takot na takot ka kay Patrick? Sampung taon na ata 'yang pagsintang pururot mo sa kapatid niya ni hindi ka man lang maka-porma."

"Wala pang sampung taon," sabi ko.

"Pero malapit na! Ano, bukas porma ka na! Tutulungan kita, ano? Deal?" sabi niya.

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa malayo.

Paano ko naman gagawin 'yun?


~*~


Ewan ko ba kung bakit pumayag pa ako sa sinabi nitong si Lander e. Nandito ako ngayon sa University na pinapasukan ni Joy at may bitbit akong isang bouquet nang white roses.

May ilan ding lalaki ang may bitbit na bulaklak roon pero hindi ko mapigilan ang kaba ko.

Paano kung hindi ako pansinin ni Joy? Baka itapon niya pa 'tong dala ko!

"Hindi 'yan. Kilala mo si Joy. Hindi ka ipapahiya nun," bulong ko sa sarili ko. Pero kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko, hindi pa rin mawala ang kaba ko.

Paano kung pagkatapos nito hindi niya na ako pansinin?

Napatigil ako bigla sa paglalakad. Kaya kong sungitan niya ako pero 'yung hindi niya na ako papansinin? Parang hindi ko yata kaya.

Saktong pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Joy kasama ang mga kaibigan niya. Nasa third floor sila at mukhang papunta na sa classroom nila. Sa fourth floor sila nagru-room. 'Wag niyo nang tanungin kung paano ko nalaman.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon