Chapter Twenty Five

42.4K 972 65
                                    

Hindi mapigilang mapangiti ni Ian pagkatapos makalabas nina Joy at Rihanna sa pinto. Para siyang inalisan ng mabigat na bagay sa dibdib nang marinig na pinalayas ni Joy ang huli. Ang akala niya talaga, iiwan na siya ng dalaga.

"Hindi niya ako iniwan," aniya sabay ngiti pang lalo.

Umupo siya sa hamba ng hagdan pagkatapos. Noon niya lang naramdaman ang kirot ng paa niya. At noon niya rin lang nakitang marami na palang dugo ang nagkalat sa hagdan. Nahilo siyang bigla dahil doon. Napakapit pa siya ng mahigpit sa bakal.

Tumingin siya sa pinto at hinintay roon si Joy. Mukhang hindi niya na kasi kakayaning tumayo. Nahihilo na talaga siya at pakiramdam niya at matutumba siya ano mang oras.

Pero nakalipas na ang ilang sandali, hindi pa rin bumabalik si Joy.

"MJ..." pinilit niyang sumigaw pero hindi niya magawa.

Pakiramdam niya ay oras na ang lumipas bago niya pa nakitang pumasok ng pinto si Joy. Parang nabuhayan siyang muli at ngumiti nang malapad.

~*~

Napatigil si Joy sa pagpasok ng bahay nang mapatingin sa sofa ng sala. Mariin siyang pumikit nang may imaheng bigla na lang pumasok sa isip niya. Inis na ikinuyom niya ang mga kamay at kinalma ang sarili. Hindi ako dapat magpa-apekto sa mga sinabi niya, aniya sa sarili.

Binilisan niya na lang ang lakad papunta sa hagdan. Hahakbang na sana siya paakyat para mapatigil lang din nang makita si Ian doon. Naroon pa rin ito sa pwesto nito nang kaladkarin niya si Rihanna. Naka-upo na nga lang ito sa pagkakataong iyon.

Inirapan niya ang binata nang makita ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"You chose me..." narinig niyang sabi nito kahit na mahina lang 'yun.

Pinaikot niya ang mga mata bago nagsimulang umakyat ng hagdan.

Nang malapit na siya kay Ian, nakita niyang inilahad nito ang mga kamay para yakapin siya pero hindi ito tumayo. Hindi niya pinansin ang binata at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napansin niyang may mali rito pero hindi niya ito tinignan ng matagal. Nagpatuloy lang siya sa pag-akyat. Dahil nasa gilid ito, hindi siya nito naabot dahil sa kabilang gilid siya nagsumiksik.

"MJ..." ani Ian na parang batang humihiling sa kanya.

Hindi niya ito pinansin.

Nasa huling baitang na siya ng hagdan nang mapansin ang dugong nagkalat sa sahig. Tinignan niya ang pinanggalingan noon at nakitang galing sa kwarto niya. Mabilis na nilingon niya si Ian at nakitang puro dugo sa paanan nito.

Patakbo siyang bumaba papunta kay Ian.

"Ian? Anong nangyari?" nagpa-panic na sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya pero kita niyang tila nanghihina ito.

"Y-you chose me," halos paos nang sabi nito bago siya niyakap.

Inalis niya agad ang pagkakayakap nito sa kanya at tinitigan ito sa mukha. Doon niya lang napansin ang mga pasa nito sa mata at sa gilid ng labi. Marahang hinaplos niya ang mga 'yun.

"What happened here?" tanong uli niya.

Nagkibit lang ito ng balikat. Binalingan niya naman ang paa nito na puno ng dugo. Nag-aalangan siya kung hahawakan niya 'yun o hindi. Hindi niya malaman ang gagawin at natulala pang sandali sa paa nito.

"'Wag mo 'kong iiwan ha?" ani Ian.

Tila natauhan naman siya sa sinabi nito at mabilis na tumayo.

"Wait here," aniya bago tumakbo papunta sa banyo.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon