Chapter Thirty Three

38.1K 938 27
                                    


"Three weeks, four days, sixteen hours, three minutes and fifty one seconds," sabi ni Ian sa kanya habang nakatingin sa wrist watch nito.

Naiiling na lang na tinitigan niya ito. "Bilang na bilang talaga hanggang segundo?" aniya.

"But of course! That would be the happiest day of my life. So kailangan talagang alam ko kung gaano na lang katagal ang hihintayin ko!"

"Sira ka talaga," aniya saka sumandal sa balikat nito.

"Sana pala pina-agahan ko na lang kay Mama 'yung petsa ng kasal. Kaya naman e. Kahit nga siguro bukas pwede na tayong magpakasal."

"May reservations kaya 'yun!"

Ilang sandali ring natahimik si Ian. May kinakalikot siya sa cellphone niya at mayamaya ay bigla na lang nagsalita.

"Ugh! Dapat talaga sinabi ko na mas maaga e! Ang tagal pa ng three weeks!"

Natawa na lang siya sa sinabi nito. May iba pang sinasabi si Ian pero nawala rito ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone niya. Nag-text sa kanya si JL at gustong makipagkita. Ilang linggo na rin silang hindi nakakapagkita dahil abala ito sa hindi niya alam na dahilan.

Nang mai-send niya ang reply niya na pumapayag siyang makipagkita kinbukasan, papatayin niya na sana ang cellphone niya nang makita ang pinakahuling text ni Rihanna. Noong makalawa lang ang text na iyon at sadyang hindi niya binasa.

Hindi ko pa pala nabura 'to, aniya sa sarili.

Buburahin niya na sana 'yun nang mabuksan niya ang text. Naging curious siya nang mabasa ang "magulang ni Ian" sa mensahe.

Napa-angat siya ng likod nang tuluyang mabasa ang text message.

Sige lang, 'wag mong pansinin ang mga text ko. Siguradong mas malaki naman ang makukuha ko 'pag nalaman ng mga magulang ni Ian ang pinaggagagawa niyo.

"Is everything all right?" tanong ni Ian.

"I-ian..."

"Bakit?"

Hindi siya nakasagot. Nakatitig pa rin siya sa text message hanggang sa kunin na lang 'yun bigla ni Ian sa kamay niya. Kahit ito, napatitig doon.

Ilang sandali lang din nang ibalik sa kanya ni Ian ang cellphone.

"Don't worry too much. Hindi maniniwala si Mama at Daddy sa kanya. 'Wag mo na lang 'yang pansinin."

Kahit paano, gumaang naman ang loob niya. Pero sa kaibuturan niya, kabado pa rin siya. Sa pagkakakilala niya kasi sa dalaga, siguradong may gagawin itong hindi maganda.


~*~


"Mama! Papa! Pasok po kayo," magalang na bati ni Joy sa mga magulang ni Ian nang dumating ang mga ito sa bahay nila.

Sa hitsura pa lang ng ginang, alam niyang may problema na. Kahit na maayos naman ang pagbati nito sa kanya, pansin niyang may mali roon. Ganoon din ang ngiti sa kanya ng Papa ni Ian na tila humihingi ng dispensa.

Kinabahan siya bigla. Naalala niya ang banta ni Rihanna sa kanya. At alam niya, kayang-kaya 'yung gawin ng dalaga.

Kasabay ng pagpasok nila sa loob ng bahay ay ang pagbaba ni Ian sa hagdan. Agad na sinalubong niya ng ngiti ang mga magulang.

Yayakapin sana ni Ian ang ina nang itulak ito palayo ng ginang.

"How dare you do this, Christian! Mali ba ako ng pagpapalaki sa'yo?" ani ginang.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon