Chapter Twenty One

41.5K 865 95
                                    

"It's almost a fucking week, Pat!"

Tumawa lang ang kaibigan niya sa kabilang linya pagkasabi niya noon.

"Lagi na lang siyang naroon sa library. Kung wala naman siya roon, kasama niya 'yung bwisit na girlfriend niya."

Lalo pang tumawa si Patrick sa kabilang linya.

"I told you you're not making progress. Grabe, tumigil ka na mag-whine d'yan. Masakit na ang tiyan ko katatawa!"

"Pat naman. Parang mas gusto mo pang tuluyan nang maging tibo 'yung kapatid mo kesa maging asawa ko e! And what are you saying? I'm not making progress? Gumaganti siya sa mga halik ko, men. At nararamdaman kong may gusto na rin siya sa akin. Noong nag-confess ako? She didn't say anything! She even kissed my hair! I thought we already have something."

"At dahil lang hinalikan ka sa buhok mahal ka na?" aliw na aliw pang sabi ni Patrick.

"It's not just that, Pat. She's not resisting me when I'm touching her-"

"What did you say?" sa pagkakataong 'yun, seryoso na ang tono ni Patrick. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"Pat, I'm sorry okay? It's just... I can't help myself. And you know I'll marry her if she'd allow me to."

Narinig niya pa ang paghinga ng malalim ni Patrick sa kabilang linya.

"Yeah, I know that. It's just... she's still my sister and I love her. So you know I would protect her with my life. Pagka talaga may ginawa ka kabulastugan-"

"Oo na. Alam mo namang wala akong gagawing hindi mo magugustuhan. Saka alam mo namang mahal ko 'yun. Kahit na ganun 'yun."

Tumawa pa ng bahagya si Patrick.

"So, bakit hindi mo pasukin sa library? I'm sure may susi ka nun," anito.

"Well, ilang beses ko nang naisip 'yan. But you know I still respect her privacy. Lalo na't may nakalagay dun sa know ng pinto na DO NOT DISTURB sign. Tss. Minsan nga natatawa na lang ako pag nakikita ko 'yun e."

"Seriously? May nilagay siyang ganung sign?"

"Yep. Ang konsolasyon na lang, kahit si Rihanna hindi nakakapasok dun. At least fair kami. Sige na, Pat. Susubukan kong kausapin ulit 'tong pasaway mong kapatid."

Ibinaba niya na ang tawag pagkatapos nun.

Hindi na mapakali si Ian. Simula kasi nang gabing 'yun na kung anu-anong nasabi niya, hindi na siya kinibo ni Joy. Madalas, tango lang ang sagot nito sa mga tanong niya. Nagkulong din ito sa library at minsan lang lumalabas. Kung magluluto, kakain, at maliligo lang. Most of the time, iniiwasan pa nitong kasabay siya.

Ilang beses niya nang tinangkang katukin ito sa library. Pero natatakot siya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi niya rin alam kung paano niya sisimulang kausapin ito. Alam niyang mali siya pero hindi niya na mababawi ang mga nasabi niya na.

"Hey, Ian!"

Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya. Pagtingin niya, naroon si Rihanna at ngiting-ngiti sa kanya.

Ito na naman. Tss.

Ilang beses nang tinangkang akitin siya nito. Ewan niya ba kung bakit hindi pa rin ito sumusuko. Simula nang bumalik ito mula sa probinsya at magkulong si Joy sa library, hindi na natigil ang paglapit sa kanya ng babae. Madalas pang halos kita na ang kaluluwa nito sa mga isinusuot.

"O, Rihanna. Ikaw pala," walang buhay na sabi niya.

"Yeah. Busy ka ba? Baka gusto mong lumabas? Tutal hanggang mamaya pa naman 'yung si Jay sa library panigurado. Tara, punta tayo somewhere," anito.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon