Chapter Forty

41.7K 1K 94
                                    

I love you.

Those three words are what he's waiting for. He had hoped to hear it but didn't.

Huminga siya ng malalim saka mabilis na sinundan ang papalabas na si Joy. Hindi niya na ito naabutan at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan.

"There goes your chance, boy," aniya sa sarili.

Sa loob ng ilang araw na hindi niya nakasama ang dalaga, ni minsan ay hindi ito nawala sa isip niya. Kanina, nang makita niya ito ay gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin ito ng mahigpit. Pero hayun, itinaboy niya na naman ito dahil lang hindi niya narinig ang gusto niyang marinig.

Napahinga na lang siya ng malalim saka bumalik sa loob ng bahay. Pumunta siya ng kusina at bigla na lang nakaramdam ng gutom. Isang bagay na hindi niya naramdaman sa loob ng ilang araw dahil wala siyang ibang nararamdaman kundi pangungulila sa babaeng pinakamamahal niya.

Napatingin siya sa pagkaing iniwan ni Joy at hindi napigilang mapangiti. Naupo siya sa hapag at kinuha ang naiwan nito saka 'yun kinain.

Itutuloy ko ang kasal pumunta ka man o hindi and that's final! Hihintayin kita sa altar na 'yun kahit ilang oras pa!

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Joy habang kumakain siya. Napapangiti rin siya paminsan-minsan dahil lang doon.

Maybe there a chance that—

Umiling agad siya sa naisip. Ayaw niyang umasa. Hindi siya aasa.

Simula nang umalis siya sa mansyon ng araw na 'yun, sa log house na siya nanuluyan. Sinasabi niya lang sa sarili niya na gusto niya ng tahimik na lugar para tigilan pero sa loob-loob niya, nagtitigil siya sa bahay na 'yun sa pag-asang darating si Joy.

Ang assistant niya lang na si Louie ang nakakaalam kung nasaan siya. Na ilang beses na nabanggit na hinahanap siya ng dalaga. Kahit na sinasabi niya sa assistant na 'wag sabihin kahit kanino kung nasaan siya, hindi miminsang naisip niya na sana ay suwayin siya nito at sabihin nito kay Joy ang kinaroroonan niya.

At ilang minuto nga lang ang nakakaraan, naroon na ang dalaga. Pero pinalagpas niya rin ang pagkakataon. Dahil lang sa kagustuhan niyang marinig ang mga salitang 'yun.

Hindi niya alam kung anong dapat gawin. Ayaw niyang mawala ang dalaga sa kanya pero ayaw niya rin naman ikulong ito sa isang kasal na hindi nito gusto. Hindi niya kakayanin kung balang-araw ay makikita niyang hindi ito masaya sa piling niya.

Matagal niya ring pinag-isipan ang bagay na 'yun bago siya nagdesisyon na i-cancel ang kasal. Gusto niya sanang maging selfish pero kung ang kapalit naman ay ang kaligayahan ni Joy, mabuti nang siya na lang ang masaktan. Kaysa makita ang babaeng pinakamamahal niyang nahihirapan.


~*~


Halos tanghali na nang magising si Ian. May paulit-ulit na kumakatok sa pinto.

Hindi niya maisip kung sino ang naroon. Kung si Joy 'yun, pumasok na lang sana ito dahil may sarili naman itong susi.

Patamad na tumayo siya at nagpunta sa pinto. Hindi niya pa man 'yun nabubuksan ng tuluyan ay may tumulak na roon. Malakas na itinulak siya ng bagong dating na ikinatumba niya sa sahig.

"You son of a bitch!" pasigaw na sabi sa kanya ni Patrick.

Umiwas siya ng tingin sa matalik na kaibigan at hindi tumayo sa pagkakatumba.

"Get up!" pasigaw pa ring utos nito sa kanya.

Dahan-dahang tumayo siya pero hindi pa rin tumitingin dito. Hindi niya alam kung paano ito haharapin dahil sa ginawa niyang pag-atras sa kasal nila ng kapatid nito.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon