Special Chapter #1

43.1K 765 16
                                    

X-IAN SCENE


Ian's POV


"Pre, saan ka?" tanong ko kay Patrick.

Nabo-bore na kasi ako. Wala akong masyado pang ginagawa sa opisina. Ayaw pa kasi ni Daddy na hawakan ko ng buo ang kumpanya.

"Nandito ako sa Lovie Patty. Alam kong bored ka. Pero 'wag mo kong guguluhin dito. Hanapin mo na lang si Brad o kaya si Lander. Busy ako," sabi niya at binabaan pa ako.

"'Kita mo 'to. Tapos tinatawag 'yung sarili niyang best friend ko?" sabi ko habang nakatingin pa sa cellphone.

Dahil natural na pang-asar ako, pumunta pa rin ako sa Lovie Patty kahit na sinabi niyang 'wag akong pumunta. Dire-deretso ako sa opisina niya at wala namang pumigil sa akin dahil kilala naman ako ng mga tauhan niya.

"Good afternoon!" sabi ko agad pagkabukas ko pa lang ng pinto. Prente pa akong naupo sa sofa roon.

Tinignan ako ng masama ni Patrick at natawa na lang ako.

"Ilang beses ka bang pinanganak?" aniya.

Mas tumawa pa ako sa sinabi niya.

"Malay ko. Tanong mo kay Mama," sabi ko.

Nag-tsk pa siya saka sumimangot. Magsasalita pa sana ako nang pagalit na nagsalita siya.

"Dun ka na nga sa labas! Kumain ka ng kahit anong gusto mo. Darating si Joy, siya na lang ang guluhin mo!" aniya.

"Darating 'yung kapatid mo?" paniniguro ko pa.

"Oo! Sige na, tsupi!"

Tumango na lang ako saka poker face na lumabas. Pero pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, ngumiti agad ako ng malapad.

Pupunta siya! Sakto!

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kapatid ni Patrick. Siguro kasi hindi siya tulad ng ibang babae. Napaka-simple niya. Tipong, walang arte sa katawan. Ni hindi nagme-make-up pero maganda pa rin. 'Yung suot niya palaging t-shirt at jeans.

Naupo ako sa pinakasulok ng resto at um-order. Doon ako naghintay hanggang sa makita ko siyang pumasok.

Thirty minutes din siguro ang inubos ko sa panunood lang sa kanya. Bawat kilos niya, sinusundan ko ng tingin. Hanggang sa hindi na ako nakapag-pigil. Gusto ko na siyang mapagmasdan ng malapitan.



Joy's POV


Dahil sabi ni Kuya, dito ako sa Lovie Patty pumunta para gumawa ng project. Ayoko sana dahil hindi ako magiging kumportable ang kaso, may pupuntahan kami mamaya at malayo pa kung pupuntahan niya ako sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na sa pinaka-sulok ng resto ang best friend ni Kuya na si Ian. Kahit na hindi niya pa ako tawagin o kung ano pa man, madali ko siyang makikita kahit saan. Ewan ko ba. Nasanay na lang siguro 'yung mata ko na nakikita siya. Kahit siguro isiksik siya sa maraming tao, makikita ko pa rin siya.

Teka, baka naman iniisip niyo may gusto ako sa kanya. Wala 'no! As in capital WALA. Isa lang talaga siya sa bwisit sa buhay ko.

Thankfully, mukhang wala siya sa mood na guluhin ko. Tingin ko naman alam niyang naroon ako. Kitang-kita kasi sa pwesto niya ang pinto. Pati na rin ang pwestong inupuan ko.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon