Chapter Three

53K 1.2K 38
                                    

Maagang bumangon si Joy kinabukasan. Ngayon ang araw na maghahanap siya ng bagong trabaho. Hindi na kasi kakayanin ng natitirang pera niya ang gastos nila ni Rihanna. Bukod pa sa nahihiya siyang makituloy nang matagal kay Aya kahit na alam niya namang ayos lang dito.

"Aya, may extra ka bang damit d'yan? Yung pang-opisina. Mag-aapply ako eh," tanong ni Joy sa kakagising lang na si Aya.

Pinasok niya na ito sa kwarto dahil hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras.

"Hmmn?" Kalahating mata pa lang ni Aya ang mulat ata halatang wala pa sa huwisyo. "Aish, ang aga mo namang manggising," biglang sabi nito nang makita ang oras. "Humanap ka na lang sa cabinet."

Hindi na siya nagsalita pa, lumapit agad sa cabinet at nai-ransack ang laman nun. Nakapameywang pang tinitigan niya ang mga damit.

"Anak ng teteng naman. Wala man lang ba siyang hindi masyadong girly?" Nag-tsk pa siya saka nagpatuloy sa paghahalungkat. Pati mga drawer ay hinalughog niya na nang sa wakas, makakita siya ng slacks na mukhang kakasya sa kanya.  Ngiting-ngiti na kinuha niya yun at ang kulay yellow na blouse.

Mabilisan ang ginawa niyang pagligo saka nagbihis. Saktong-sakto sa kanya ang damit. Tinernuhan niya yun ng itim na doll shoes ni Rihanna. Puro rubber kasi ang sapatos niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rihanna nang magising at napansin siyang bihis na bihis.

"Ah, maghahanap ako ng trabaho. Dito ka na lang muna ha? Alis na ako."

~*~

Kampante pa siyang nag-walk in sa isang company na malapit sa dati niyang pinagt-trabahuhan. Mukhang maganda ang naging impression sa kanya ng unang interviewer kaya kampante siyang matatanggap.

Dumaan pa siya sa exams at ramdam niyang pasado siya sa mga yun. Ni hindi man lang siya pinagpawisan.

Nasa waiting area na lang siya pagkatapos ng huling exam. Isa-isa nang tinatawag ang mga kasabay niyang nag-aaply din. May mga masayang umuupo ulit sa waiting area at meron namang nakasimangot na umaalis na lang.

"Ms. Gatapia?"

Tumayo agad siya nang tawagin ang pangalan niya. This is it, sa isip niya. Ninety pecent ang posibilidad na matanggap siya kaya malapad ang ngiti niya nang humarap sa babae.

"Ms. Gatapia, you've passed all of our exams with a really high score, actually..." Hindi na maalis ang ngiti ni Joy habang nagsasalita ang babae. Ine-expect niya na ito pero iba pa rin pag naririnig mo na. "Unfortunately..." Nawala ng konti ang ngiti niya. "We don't have an available slot for the position you're applying for. We're very sorry."

Tuluyan nang nawala ang ngiti ni Joy. Napuno ng inis ang isip niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili tulad ng lagi niyang ginagawa pag naiinis na. Huminga pa siya ng malalim saka pinilit ulit na ngumiti.

"Okay, thank you."

Pagkasabi niya nun, tumayo na agad siya at lumabas ng building.

"Leche na yun. Simula initial interiew alam niya na yung position na ina-applyan ko pinadaan pa ako sa maraming cheche buretche. Kainis! Sinayang oras ko!" bulong niya sa sarili habang naglalakad.

Hindi niya alam kung saan siya susunod na pupunta. Pagtingin niya sa wrist watch niya, malapit na palang mag-alas dose. Hindi niya namalayan ang oras. Kalahating araw na pala ang nasayang niya.

Pumasok siya sa isang fast food resto para kumain. Puno ang resto dahil oras na ng tanghalian. Pero dahil pang-fast food na lang ang pera niya, naghanap na lang siya ng pwedeng maupuan. Swerte namang nakita niya ang kasabayan niya kaninang mag-apply kaya nilapitan niya yun.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon