Epilogue

57.5K 1K 32
                                    


"Magbihis ka na, sweetie!" ani Joy kay Ian.

"'Wag na tayong pumunta dun. Hindi naman tayo kailangan dun e," aniya.

"Pero inimbita tayo. Ano ka ba naman. Kahit minsan naman makisama tayo sa mga kamag-anak mo," ani Joy.

"It's just the company anniversary, sweetie. I'm not really a part of that company. Hindi naman mapapansin kung wala tayo roon."

Hindi naman sa ayaw niyang pumunta. Wala lang siya sa mood at mas gusto niyang makasama ang asawa sa bahay nila. Nakaka-isang linggo pa lang nang makabalik sila at sa buong linggong 'yun, busy siya sa opisina dahil sa dami ng hinahabol niyang trabaho.

Sumimangot si Joy at padabog pang pumasok sa walk-in closet para magbihis. Napa-buntong-hininga na lang siya saka sumunod dito roon.

Pinapanuod niya ang asawang magbihis habang nagbibihis na rin. Hindi siya nito kinikibo. Ni hindi siya tinitignan.

Napapa-iling na lang na nilapitan niya ito at niyakap. Kapagkuwan ay hinalikan sa noo.

"Sorry na. Pupunta tayo, okay? Gusto ko lang naman sana kasing ma-solo ka. But it's fine. Basta bukas solo na kita ha?"

Bahagyang ngumiti ang asawa at tumango.

Noong isang araw lang nang sabihin sa kanya ni Joy na ini-imbitahan sila ng tiyahin niya para pumunta sa party ng publishing house na pag-aari ng pamilya nila. Anniversary party 'yun at isasabay ang book launch ng pinakabago nitong writer. Normally, hindi naman siya ini-imbitahan kaya nagulat pa siyang nakakuha sila ng imbitasyon. Malamang na dahil sa nagustuhan ng mga ito si Joy kaya pinapupunta sila.

"You should pass your manuscripts to them, Joy. Siguradong magugustuhan nila 'yun," aniya habang inaayos ang necktie niya.

Tumingin lang sa kanya si Joy saka umiling.

"Ayokong mapilitan silang i-publish ang gawa ko dahil isa akong Lim," anito. "Dapat, magustuhan talaga nila 'yun kaya nila ipa-publish."

Tumango na lang siya. Naiintindihan niya naman ito.

Pinagmasdan niya ang suot nitong asul na dress. Simple lang ang tabas nun pati ang design pero hindi maipagkakailang ang gandang tignan kay Joy.

"You're so beautiful. Lalo tuloy akong tinatamad umalis," paglalambing niya at hinalikan pa ito sa mga labi.

"Hindi 'yan uubra. Tara na," anito.

Sumimangot na lang siya saka sumunod rito palabas ng kwarto.

~*~

"Joy!" salubong sa kanila ni JL nang makarating sila sa venue ng party. Kay Joy lang ito nakatingin. "Doon tayo!" anito pa sabay turo sa isang mesa. "Hi, insan!" baling nito sa kanya sandali saka hinila ang asawa niya.

Sa umpisa pa lang, nabo-bore na si Ian. Isa naman talaga 'yun sa dahilan kung bakit hindi siya ini-imbitahan ng mga kamag-anak niya. Madalas kasing hindi siya sumisipot. At kung sisipot man, maaga ring aalis.

Balak niya, yayain na lang ng maaga si Joy pauwi.

Napapa-buntong-hininga na lang siya sa ilang speech na dumaan. Tinatamad na talaga siya. Nakatingin lang siya sa screen pero wala naman siyang na-iintindihan.

Nagulat pa siya nang may book cover na lumabas doon. Hindi naman siya totally nagulat dahil may book cover dahil alam niyang may launch sa gabing 'yun pero ang title ng istorya at pangalan ng author ang nakapagpagulat sa kanya. Napa-angat pa bigla ang likod niya at nagising ang diwa.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon