Chapter Twenty Nine

44.9K 977 45
                                    

Nagising si Joy na magkayakap sila ni Ian. Magkatapat ang mga mukha nila at bakas ang ngiti sa mga labi nito. Itinaas niya ang kamay para haplusin ang mukha ng binata.

"Good morning!" mahinang sabi niya para sana gisingin ito. 'Kita niya na kasi ang araw sa labas ng bintana.

Umungol lang si Ian at hindi gumising. Hinila siya nito palapit pang lalo saka niyakap ng mahigpit. Isang pulgada na lang halos ang layo ng mga labi nila.

Napangiti siyang bigla. Gumanti rin siya ng yakap saka hinalikan ito sa mga labi.

Ungol lang ang naging sagot ng binata kaya naman ipinagpatuloy niya ang paghalik dito. Mayamaya'y naramdaman niya ang pagngiti nito sa mga labi niya bago ito gumanti. Kumubabaw sa kanya ang binata hanggang sa tapusin nito ang halik.

"Good morning, sweetie," ani Ian saka hinaplos ang pisngi niya.

Nginitian niya lang ito saka tumingin sa may bintana.

"Anong oras na?" tanong niya.

Tumingin si Ian sa kung saan. Sa kinaroroonan siguro ng orasan bago sumagot.

"It's eight am. Let's go downstairs. Siguradong hinihintay tayo ni Mama sa pagkain," anito. Tumayo na si Ian at kumuha ng bihisan.

"Baka naman nauna na sila. Late na e," aniya, patigilid na nahiga sa kama paharap sa kinaroroonan ni Ian.

Tumingin sa kanya sandali si Ian saka biglang nag-iwas ng tingin.

"That's a great view but we must hurry," anito saka kumuha ng isa pang pares ng damit sa closet. "Ito na muna ang isuot mo. Hihiram na lang tayo mamaya kay Tine ng damit," anito pa at inilapag sa kama ang isang t-shirt nito at boxer shorts.

Napatingin siya bigla sa sarili. Nawala sa isip niya na wala nga pala siyang saplot sa katawan at kitang-kita ang buong dibdib niya. Mabilis na hinila niya ang kumot at itinakip sa sarili.

Hindi siya tumayo agad at hinintay itong matapos. Ang balak niya sana, susunod na lang siya. Ayaw niya namang panuorin siya nitong mabihis.

"Hey, sweetie? Bakit hindi ka pa bumabangon?" natatawang tanong ni Ian.

"Uhh... susunod na lang ako," aniya.

Tumingin sa kanya si Ian ng mataman. "Nope, sabay tayong bababa," anito saka siya hinila patayo.

Bahagyang napatili siya sa gulat. Hindi siya magkamayaw sa pagtakip sa katawan niya nang nakatayo na siya sa harap ng binata.

"What? Kahapon lang nagbihis ka sa harap ko a?" tumatawang sabi nito.

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Ewan niya ba kung bakit parang wala siyang maramdamang hiya nang nakaraang araw.

Hindi na siya hinintay na sumagot ni Ian at ito na mismo ang kumuha ng boxer shorts at isinuot sa kanya. Lalo siyang nakaramdam ng hiya dahil para siyang bata na sinusuotan nito ng damit. Sunod na kinuha nito ang t-shirt at isinuot din sa kanya.

Hindi siya makatingin dito nang matapos. Ini-angat ni Ian ang mukha niya bago siya nginitian.

"Ang cute mo talaga!" anito saka siya hinalikan sa mga labi.

Yumakap agad siya sa leeg nito at tinugon ang halik.

"Hmmn, we need to hurry. Baka gutom na gutom na si Mama," anito. "Iba na lang muna ang kainin natin," sabi pa ni Ian saka tumawa ng malakas.

Hinila na siya nito palabas ng kwarto at papunta sa dining.

Naabutan nila sa sala ang Mama ni Ian na nagbabasa ng diyaryo.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon