Chapter Thirteen

39.4K 1K 129
                                    

"Hi, guys!" bati ni Joy sa mga kaibigan. Nagkasundo-sundo silang magkita-kita sa araw na 'to sa bahay ng kaibigan niyang si Lana.

"Oh my God! Ikaw si Genna Torres 'di ba?" biglang tili ng nobya niyang si Rihanna.

Isinama niya si Rihanna para ipakilala sa mga kaibigan.

Nakita niya pang umikot ang mga mata ni Aya dahil sa reaksyong 'yun ni Rihanna bago simpleng tumango si Genna.

"Kyaaah! Napanood ko 'yung pelikula mo. Ang galing-galing mo dun. At bagay na bagay kayo ni Vince!" sabi ni Rihanna. "Gustong-gusto ko dun 'yung eksena niyo sa beach! Grabe, nakakakilig talaga!" sabi pa nito.

Isang irap naman ang naging reaksyon ni Aya. Kung titignan mo 'to, parang gusto nang hilahin sa buhok ang babae at ilublob sa pool. Gusto niyang matawa sa hitsura nito pero hindi niya na lang ginawa. Naiintindihan niya naman kasi ang nararamdaman nito, considering na ex nito ang lalaki.

"Uhm... thanks," ani Genna. Awkward ang ngiti nito at napapatingin pa ng bahagya sa katabing si Aya.

"'Di ba ex mo si Luke? Alam mo bang ayaw na ayaw sa'yo dati ng best friend kong bading sa probinsya? Crush na crush kasi nun si Luke. Pero idol ka na niya ngayon, parang ako, kasi ang galing-galing mo!"

"Ha-ha." Ngumiti si Genna pero halatang mas lalong naging awkward ang ngiti nito.

Sa loob lang kasi ng ilang minuto, naungkat na nito ang mga issue sa buhay niya. Pati na rin kay Aya dahil halata naman may issue pa rin 'to sa dating nobyo na si Vince.

"It's nice to meet you! Ano ngang pangalan mo?" singit ni Lana. Halata naman na inaalis lang nito ang tensyon sa paligid kaya lubos niya 'yung ipinagpasalamat.

"O, sorry. Guys, this is Rihanna, girlfriend ko. Ri, sila ang mga best friend ko. Si Lana, Genna at nakilala mo na syempre, si Aya. 'Yung isa, si Jacky, nasa LA kaya hindi natin makakasama ngayon."

"Hi!" animated pang bati ni Rihanna sa mga kaibigan niya.

"Hello. It's nice to meet you," sabay na sabi nina Lana at Genna.

Kumapit bigla nang mahigpit sa kanya si Rihanna saka impit na tumili.

"Babe! 'Di mo naman sinabing may friend kang artista! Oh my gosh!" Bumaling ito kay Genna. "Baka naman pwede mo akong maipakilala kina Vince at Luke? Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwalang na-meet kita in person! Pwedeng magpa-picture?"

Bumitaw sa kanya ang nobya saka mabilis na tumabi kay Genna. Nabangga pa nito si Aya na ikina-inis ng huli.

"Ano ba? Magdahan-dahan ka kaya?" ani Aya.

Inirapan lang ni Rihanna ang kaibigan niya saka bumaling sa kanya.

"Kunan mo kami ng picture, babe! Dali!" excited na sabi nito.

Kinuha na lang ni Joy ang cellphone ni Rihanna (na bigay niya) saka kinuhanan ng picture ang dalawa.

"Okay, ipinalabas ko na kay Manang ang mga pagkain," ani Lana.

"O, may katulong ka na uli?" tanong ni Aya.

"Oo, hindi ko na kayang mag-isa. Alam mo namang may inaalagaan akong anak."

"Hay naku, buti naman natauhan ka na at hindi mo na sinosolo ang pagod," sabi naman ni Genna.

"Nagpumilit lang si Jace na kumuha kami 'no! Pero ayos na rin. At least nakakapag-concentrate ako sa mag-ama ko."

Nagkwentuhan sila ng mga kung anu-anong bagay. Ni hindi niya nga napansin na oras na rin ang lumipas dahil sa dami ng kwento ng mga kaibigan. Siya naman, tahimik lang na nakikinig. Ang nobya niya, paminsan-minsan ay sumisingit na agad na binabara ni Aya.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon