Chapter Twenty Seven

43.3K 1.1K 95
                                    

"Good morning!" nakangiting bati ni Ian kay Joy.

Kanina pa siya gising at pinapanood lang ang mahimbing na tulog ng dalaga. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong pinalayas nito si Rihanna at simula noon, lagi na silang magkatabing matulog. Though medyo cold sa kanya si Joy, ayos lang sa kanya. Ang mahalaga, naniniwala ito sa kanya.

"Anong oras na?" medyo nakapikit pang tanong ni Joy.

"Almost seven," aniya.

Bahagyang tumango ito saka huminga ng malalim.

"Papasok ka na ngayon sa opisina?" Tumango siya. "Kaya mo na ba?" tanong pa nito.

"Yup! Saka kailangan na ako dun e," aniya.

"Okay," anito bago tumayo. "Ipaghahanda na kita ng almusal.

Sinubukan niyang halikan ito bago tumayo pero bago pa man lumapat ang mga labi niya sa pisngi nito, mabilis na itong nakalayo sa kanya.

Malungkot na sinundan niya na lang ito ng tingin palabas ng kwarto.

Walang ganang tumayo siya at pumunta sa closet para kumuha ng damit. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita roon ang mga damit ni Joy. Kahit na ba ilang araw na simula nang ilipat nila 'yun doon, hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na magkasama na talaga sila sa kwarto.

Pero hindi niya pa rin mapigilang malungkot. Oo nga't magkasama sila, oo nga't sinabi nitong naniniwala ito sa mga sinabi niya, pero hindi niya maramdaman. Pakiramdam niya, nagdududa pa rin naman talaga ito. Palagi na lang ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya kahit na ba palagi siya nitong sinasamahan.

Naiiling na kumuha na lang siya ng maisusuot, inilapag 'yun sa kama saka pumunta ng banyo para maligo.

~*~

Napag-pasyahan ni Joy na maglinis ng buong bahay. Mahigit isang linggo na rin kasi simula nang makapaglinis siya ng lahat ng gamit. Puro sahig lang ang nalilinis niya nang mga nakaraan.

Abala siya sa pagpupunas ng flower base na malapit sa puno ng hagdan nang may mapansin siya sa sulok ng kisame. Nanlaki bigla ang mga mata niya nang maalala kung ano 'yun.

'Yung CCTV!

Mabilis na tumakbo siya sa library kung saan naroon ang computer kung saan nakalagay ang recording device ng CCTV na ipinakabit niya isang beses na napadaan siya sa mall. Ang totoo, wala naman siyang balak na bumili ng ganoon dahil hindi naman talaga nila kailangan dahil mahigpit ang security sa lugar nila. Sabi niya nga "nagpa-uto" siya dun sa salesman kaya nagpakabit siya.

Tatlo lahat ng 'yun. Isa sa second floor na kita ang pinto ng mga kwarto nila. Isa sa sala at mayroon ding isa sa kusina.

Hinanap niya agad ang mga naka-record doon nang makarating siya sa lumang computer na nasa pinaka-sulok ng library. Hindi na 'yun nagagamit kaya naisip niyang doon na lang ikabit ang CCTV para magka-pakinabang naman.

Nai-rewind niya 'yun sa araw at oras na nakita niya sina Ian at Rihanna sa kusina. Kabado pang nai-play niya 'yun.

Tumulo bigla ang luha niya sa napanood. Nasapo niya pa ang dibdib niya habang patuloy na pinapanood ang mga nangyari.

Pumasok si Ian sa kusina habang pinipisil ang sintido. Sa coffee maker agad ito nagpunta at nagtimpla ng kape. Na-upo ito sa kabisera ng mesa habang humihigop ng kape. Ilang beses rin na minamasahe nito ang sintido nang biglang pumasok si Rihanna.

Ilang beses pang lumingon ang dalaga sa labas na tila may hinihintay. Mayamaya ay nagmamadali nitong hinubad ang pang-itaas kasabay ng bra at ibinagsak iyon sa sahig kalapit ni Ian. Walang anu-anong kumandong ito paharap sa binata at idiniin ang sarili sa mukha ng huli.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon