Chapter Seven

46.6K 1.1K 59
                                    

"Mary Joy! Gising na!"

Tinakpan pa ulit ni Joy ang tenga niya nang marinig ang sigaw na yun ni Ian. Naka-ilang ulit na itong sumigaw pero walang paki-alam si Joy dahil inaantok pa siya.

"Tatayo ka ba o hindi?! Hahalikan kita!" sabi pa ulit nito.

Napadilat bigla si Joy sa huling sinabi ng binata. Mabilis na bumangon siya. Nakatayo sa gilid ng kama si Ian. Nakapameywang pa at inis na nakatingin sa kanya. Naka-ilang balik na kasi ito para gisingin siya pero hanggang ngayon, nakahiga pa rin siya.

Inaantok pa siya. Nag-aadjust pa naman kasi ang katawan niya sa oras sa New York. Saka napasarap siya ng tulog dahil sa masahe kagabi.

Matino na siyang tignan ngayon. Hindi na masasabi ni Ian na may uod na sa mukha niya at daga sa kuko niya. Refreshed na ang feeling niya pagkatapos ng ilang buwan na naglagalag siya sa kung saan-saang lugar.

Napatingin siya sa paanan ng kama. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang kulay puting dress doon na may kulay black na ribbon sa bandang beywang. Tinignan niya si Ian sa nagtatanong na mata.

"Yan ang isusuot mo. Para mag-mukha ka namang bride kahit paano," ani Ian.

Tumalikod na rin agad ito pagkasabi nun. Pero bago tuluyang makalabas ng kwarto niya, humarap uli ito.

"Bilisan mo, you have 20 minutes to get dressed."

Nagmake-face pa si Joy saka kinuha ang dress. Malambot ang tela nun, mukhang masarap isuot. Doon niya lang din napansin na spaghetti strap pala yun. Napatingin agad siya sa kili-kili niya. Kailan ba ako huling nag-shave? Napapikit siya ng mariin saka mabilis na lumabas ng kwarto.

Wala sa sala si Ian nang lumabas siya. Pumunta agad siya sa kwarto nito. Hindi na inabala ang sarili sa pagkatok at dere-deretso siya sa loob.

Napatigil sa pagbibihis si Ian nang bumukas na lang bigla ang pinto ng kwarto niya. Nagpapalit na siya ng black na polo para sa 'shoot' nila ni Joy. Nagtatakang tinignan niya ang dalaga na mukhang natigilan nang makita siyang walang pang-itaas.

Literal na hindi huminga si Joy ng ilang sandali. Nakahain sa harap niya ang katawan ni Ian na pang-model. Pinilit niyang i-compose ang sarili, nagpanggap na hindi apektado sa nakikita.

"Hoy, may shaver ka ba d'yan?" tanong ni Joy.

Nagtatakang tinignan lang siya ng binata ng sandali.

"We're not having a real honeymoon so you don't have to shave. Ikaw naman, nakita mo lang ang maganda kong katawan—"

Hindi na natuloy ni Ian ang sinasabi dahil nasa harap niya na agad si Joy. Malakas na binatukan siya nito at nakatitig ng masama sa kanya.

"Aray ko naman!" sigaw ni Ian.

"Kung hindi ka titigil d'yan sa kamanyakan mo, di lang yan ang aabutin mo sakin!"

Natatawang lumayo si Ian sa dalaga. "Sorry na! Nagbibiro lang naman," pabulong na sabi nito sa huling linya habang hinahaplos ang batok. "Aanhin mo ba kasi yun?" tanong niya.

"Hindi mo naman kasi sinabing spaghetti strap pala yung ipapasuot mo sakin!"

Tinitigan siyang sandali ni Ian, tila nag-iisip. Mayamaya, naintindihan na rin nito sinasabi niya at malakas na tumawa. Kinuha nito ang maleta at ini-abot kay Joy ang shaver. Pahablot na kinuha yun ng dalaga saka mabilis na lumabas ng kwarto ni Ian.

Mabilisan lang ang ginawang pag-shower at pagbibihis ni Joy. Humarap siya sa salamin matapos isuot ang dress. Saktong-sakto yun sa kanya. Parang sinukat. Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga gamit niya nang mariing mapapikit. Wala nga pala siyang ibang dala na sapatos. Yung orange rubber shoes niya lang.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon