Chapter Forty Four

43.3K 856 31
                                    

"Okay, anong gusto mong sakyan?" tanong ni Ian habang nakaharap sila sa listahan ng rides.

Tinignan ni Joy 'yun isa-isa saka nag-isip.

"Uhm, gusto kong sumakay rito," aniya sabay turo sa isang ride. "Tapos dito, saka rito, ito pa, tapos ito..."

"Lahatin na lang kaya natin?" naaaliw na sabi ni Ian habang itinuturo niya isa-isa ang mga rides at wala namang pinalalampas.

Napangiti siya nang malapad sa sinabi nito saka tumango. Ang totoo niyan, gusto niya naman talagang sakyan lahat.

Dahil weekday, hindi ganun karami ang tao at walang masyadong mga pila. Saglit lang at masasakyan nila lahat ng 'yun.

Bumili si Ian ng ticket para sa lahat ng rides at namili sila ng unang sasakyan.

Nakita niya ang Flying bus at nagyayang 'yun ang unang sakyan. Hindi naman umangal si Ian at sumunod lang sa kanya.

Natutuwa si Joy at nasasakyan ni Ian ang mga trip niya. Ang akala niya kasi noong una, ayaw nitong pumunta sila sa Sky Ranch dahil tingin nito ay pang bata lang 'yun.

"Dati ko pa gustong pumunta rito kasama ka," ani Ian pagkababa nila sa pang-limang ride na sinakyan. "Noong unang punta pa lang natin dito sa Tagaytay. Kaso, kinulang tayo sa oras nun," anito pa.

"Ikaw kasi, para kang laging may PMS. Bigla-bigla na lang nagbabago ng mood," nakasimangot na sabi niya.

"Sorry na. Saka birthday nun ni Pat, remember? Nung gabing 'yun sana kita dadalhin dito e."

"Bakit nga pala bigla ka na lang bad trip nun isang umaga? Nung nagdaang gabi naman, okay ka pa. Alam mo bang inis na inis ako nun? Buti na lang binigyan mo ako ng log house. Edi ang saya ko," aniya.

Sandaling natahimik si Ian. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila papunta sa Sky Eye o ang Ferris Wheel ng Sky Ranch. Sakto namang walang nakapila kaya naman sila agad ang sumakay.

"Huy, hindi mo na sinagot ang tanong ko," nakanguso pang sabi niya nang nakasakay na sila at nagsimula nang umakyat 'yun.

Huminga ng malalim si Ian saka humarap sa kanya.

"Remember the night before that, I asked you a question?"

Tango lang ang isinagot ni Joy. Naaalala niya ang gabing 'yun. Hindi niya 'yun malilimutan dahil 'yun ang unang beses na inamin niya kay Ian na mas matimbang na ito kay Rihanna. Sobra-sobra pang laki ng agwat.

"Well, I was broken hearted. That's why."

Napa-kunot ang noo ni Joy sa sinabi ni Ian. Hindi niya maintindihan kung bakit ito mabo-broken hearted samantalang sinabi niya nang mas matimbang ito.

"I don't understand," aniya. "Bakit ka naman mabo-brokenhearted, aber?" tanong niya.

Pina-ikot pa nito ang mga mata saka bahagyang umiling.

"Well, you know I'm in love with you right? From the start you know I have feelings for you. Then I asked you that question. Just to confirm you know... kung may feelings ka na rin sa akin. I can feel it. I just want to hear it from you. Tapos ang sagot mo, mas mahalaga pa rin si Rihanna? Sobrang taas pa ng pagpapahalaga mo sa kanya tapos ako..." Itinapat pa ni Ian ang kanang kamay sa beywang nito. "Ganito lang?" anito.

Sandaling tinitigan ni Joy si Ian. Mayamaya ay hindi niya mapigilang mapangiti. Hanggang sa natawa na siya ng tuluyan dahil sa sinabi ni Ian.

"What's funny? Nasaktan na nga 'yung tao."

Tumawa pang muli si Joy saka biglang hinalikan sa mga labi si Ian.

"Alam mo, kung minsan iniisip ko kung paanong naka-graduate ka with honors e. Simpleng timbangan lang hindi mo alam kung paano gumagana," aniya.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon