Chapter Thirty Eight

38.1K 869 101
                                    

Naalimpungatan si Joy nang maramdaman niya ang paghalik sa noo niya.

"Ian?" aniya habang minumulat ang mga mata.

Bahagyang ngumiti ang binata saka hinaplos ang pisngi niya.

"I have to go," anito.

Napatingin siya sa wall clock sa ibabaw ng pinto.

"Maaga pa a?" aniya.

Ilang araw na ring maagang umaalis si Ian. Hindi na ito sumasabay sa kanila sa pagkain ng almusal. At sa gabi naman, madaling araw na rin halos itong umuuwi. Mararamdaman niya na lang ang pagtabi nito sa kanya sa pagtulog.

"I still have a lot of things to do. You know, I'll be gone for a month or so. I have to finish things."

Tinitigan niya lang sandali si Ian, pino-proseso pa sa utak ang sinabi nito.

"Well, we'll get married in a week. Mawawala ako ng matagal for our honeymoon. So I have to fix things before I leave," paliwanag ni Ian.

Tumango agad siya sa sinabi nito saka ngumiti.

"Okay. Ingat ka. 'Wag ka masyadong magpagod," aniya.

Matipid uli itong ngumiti saka umalis ng tuluyan. Nahiga muli siya nang makalabas ito ng kwarto niya.

Simula nang mag-away sila ilang araw na ang nakalilipas ay laging sa tabi niya natutulog si Ian. Though hindi sila nakapag-uusap dahil naaabutan siya nitong tulog na at umaalis naman itong tulog pa siya. Nararamdaman niya na lang na tumatabi ito sa kanya sa gabi.

Hindi naman sila sinisita ng Mama ni Ian. Hinayaan na lang din sila dahil siguro sa takot na ri nitong mag-away na naman sila at hindi pa matuloy ang kasal.


~*~


"Hindi pa ba tapos ang meeting niya?" tanong niya sa sekretarya ni Ian sa ikatlong pagkakataon.

"Naku, Ma'am Joy hindi pa po e. Ni hindi rin po sinasagot ni Louie ang tawag ko. Mukhang busy pa po sila," anito.

Tumango na lang siya saka nagbuntong-hininga.

Nagpunta siya sa opisina ni Ian para dalhan ito ng pananghalian at makasama na rin ito ng matagal-tagal. Nami-miss niya na rin naman kasi ang kakulitan ng binata.

"Kung gusto niyo po, iaabot ko na lang ang dala niyo kay Sir," ani sekretarya ni Ian.

Ngumiti siya rito saka umiling.

"Hindi na. Hihintayin ko na lang siya. Wala rin naman akong gagawin e. Sa loob na lang ako," aniya sabay turo sa pinto ng opisina ni Ian.

"Sige po, Ma'am. Pasok lang po kayo."

Nakatulog na lang si Joy, hindi pa rin dumating si Ian. Hindi niya na alam kung gaano siya katagal sa opisina nito nang may humaplos sa pisngi niya.

"Hey, Ian!" aniya nang magising. "Wait, kumain ka na ba?"

Kinuha niya agad ang bitbit niyang paper bag na laman ang niluto niyang pananghalian para rito.

Nakita niya agad ang guilt sa mukha nito. Bigla na lang siyang niyakap ng binata na ikinagulat niya. Hindi na lang siya nagtanong at gumanti ng yakap.

"I'm sorry. I didn't know you were here," ani Ian.

"It's okay. I know you're busy. Hindi naman kasi ako nagsabi na pupunta. Anong oras na—" Napatigil siya nang mabasa ang oras sa wrist watch niya. Mag-aalas-tres na ng hapon. "Oh, I think it's a little late for lunch." Pinilit niyang ngumiti. "Anyway, tingin ko naman nag-lunch ka na. So I'll be going. Baka nakaka-istorbo ako."

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon