Chapter Eighteen

39.4K 1K 44
                                    

Kahit matagal-tagal na ring nakalabas ng kwarto si Ian, hindi pa rin makakilos si Joy. Parang nai-tulos na lang siya sa higaan.

Napa-pikit siya ng mariin nang maalala muli ang nangyari.

Anong nangyayari sa'kin?

Napabangon siyang bigla at naisubsob na lang ang mukha sa mga palad.

"Anong gagawin ko ngayon?"

Hindi niya alam kung paano pa pakikiharapan si Ian dahil sa nangyari. Na sa una pa lang sana, hindi niya na hinayaan. Pero nawala sya sa sarili kanina. Para siyang nahipnotismo nang lumapat ang mga labi nito sa kanya.

Nagpalipas na muna siya ng ilan pang minuto saka nagbihis at nagpasyang lumabas na ng kwarto. Tahimik lang siyang naupo kaharap ni Ian.

"Lumamig na 'yung kape. Ang tagal mo kasi," medyo may pagka-aliw pa sa boses nito. "Mag-iinit na lang ulit ako ng tubig para sa'yo," anito pa.

Tumango lang siya bilang sagot at hindi tinignan ang binata. Nakikita niya lang sa gilid ng mata niya na pumunta ito sa kalan at nagsalang ng tubig gamit ang takure.

Tahimik lang sila pareho nang maupo uli si Ian sa harap niya. Ilang sandali rin na ganoon lang sila hanggang sa banggitin ni Ian ang hindi niya muna sana gustong marinig.

"Uhm, MJ... about what happened—"

"May kakilala ka bang pwedeng mag-renovate nitong bahay?" pag-iiba niya agad ng usapan.

Halatang nag-alangan pa si Ian bago sumagot.

"Meron. Sige, ako na mua ang bahalang kuma-usap. Pag na-set na ang deal saka ko ipapakausap sa'yo."

Matipid siyang ngumiti saka sumagot.

"Thanks."

~*~

Hindi na alam ni Ian kung anong dapat gawin. Simula nang bumalik sila sa kwarto, hindi na sila nag-usap ni Joy. Nag-sabi lang siya ng "good night" sa dalaga at tango lang sagot nito. Pagkatapos noon, patalikod na itong nahiga mula sa kanya.

Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Para sa kanya, it was wonderful. Kung hindi lang siguro siya natauhan sa ginagawa niya, baka naangkin niya na ng tuluyan ang dalaga.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa alaala. Never in his entire life has he lost control when it comes to women. Palagi na lang na kontrolado niya ang mga pangyayari. Pero pagdating kay Joy, isang yakap lang, he's already losing his mind.

Huminga siya ng malalim at niyakap ang dalaga mula sa likod. He felt her stiffen pero hindi naman inalis ang braso niya. Isinubsob niya pa ang mukha sa buhok nito bago siya tuluyang nakatulog.

~*~

Nang magising si Ian ay wala na sa tabi niya si Joy. Hinanap niya agad ito at natagpuan niya sa labas ng bahay at pinagmamasdan ang tanawin. Hindi na siya nagdalawang isip at nilapitan agad ito saka niyakap.

"Good morning!" aniya sabay halik pa sa pisngi nito.

Hindi niya napigilang mapa-atras na lang nang mapapitlag ang dalaga sa ginawa niya. Mabilis pa ang paghinga nito na halatang nagulat sa ginawa niya.

Nakapikit pa ng bahagya si Joy saka matipid na ngumiti pero hindi tumitingin sa kanya.

Tahimik na tinitigan niya ito sandali saka siya huminga ng malalim.

"Tara, let's grab some breakfast." Pinilit niyang siglahan ang boses niya.

"Okay," tipid na sagot ni Joy.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon