Chapter Twelve

40.2K 1K 61
                                    

Dahan-dahan pa ang ginawang pagpindot ni Joy sa send button habang nakapikit.

"Sent!" aniya pagkadilat at makitang na-send na ang ginawang email.

"Nice! Tama 'yan. Follow your dreams," sabi ng taong nasa likod niya.

Halos mapatalon si Joy sa gulat. Hindi niya kasi napansing nasa likod niya na pala si Ian.

Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Kanina ka pa ba d'yan?" tanong niya.

Tumango lang ang binata at nagkibit balikat.

Tinangka niya itong abutin para hampasin pero naka-iwas agad ito. Naupo agad ang binata sa katapat na silya ng kinauupuan niya.

"Kahit kailan talaga ang hilig mong maki-usyoso! Totoo talagang mas maalam pa sa tsismis ang mga lalaki. Akala mo lang mga walang alam," aniya.

"'Yan bang 'mga lalaki' na tinutukoy mo e kasali ka? Hindi pa ba umeepekto ang charms ko sa'yo?" pang-aasar ni Ian. Tinaas-taas pa ang magkabilang kilay.

"Tigilan mo nga ako! Pumasok ka na lang sa loob. 'Wag mo akong guluhin di to sa garden! Shoo!"

"Aray ko naman. Ang sakit-sakit. Bakit ganyan ka sa'kin?" Umarte pa si Ian na sumisikip ang dibdib sa sakit.

"Pag 'di mo tinigilan 'yan, ihahampas ko sa'yo 'tong laptop."

Dumeretso naman ng upo si Ian at nag-make face. Tumingin siya sa relo niya saka bumaling uli kay Joy.

"Ipagluto mo na ako. Magtatanghali na. Tinapay lang ang pinakain mo sa gwapo mong asawa kaninang almusal," ani Ian. May kasama pang sign ng pogi gamit ang kamay niya habang sinasabi ang 'gwapo'.

Tinignan nang masama ni Joy si Ian.

"Pasensya naman. Wala pa po akong tulog kaya hindi ako nakapaghanda ng matinong almusal. Saka anong tinapay lang? May kasama kayang maraming spam at kape 'yun! Isa pa, anong gwapo? Saan banda? Naka-drugs ka ba? Saka anong asawa ka d'yan? Baka nakakalimutan mong nagpapanggap lang tayo! Ambisyoso!" tuloy-tuloy na sabi niya.

"Wow, ang daming sinabi!" Tumawa pa si Ian pagkasabi nun. "Maka-ambisyoso naman. Masama na bang mangarap?"

"Kung mangangarap ka na rin lang, dun ka na sa kayang mong abutin."

Nagulat pa si Joy nang biglang dumukwang si Ian papunta sa kanya. Ini-strech nitong maigi ang mga braso na tila inaabot siya pero hirap na hirap.

"Ugh! Bakit ang hirap mong abutin?" Umarte pang nalulungkot si Ian. "Hindi bale, balang araw, maaabot din kita!" Tumayo pa si Ian at umaktong determinadong maabot si Joy.

Sa buong sandali na ginagawa 'yun ni Ian, nakatingin lang ng masama si Joy sa binata. Mayamaya, tumayo si Joy at binatukan ito.

"Siraulo ka talaga! D'yan ka na nga!" aniya saka nagpunta ng kusina para magluto.

~*~

"Matagal pa ba 'yan?" tanong ni Ian kay Joy.

Wala pang limang minuto nang pumunta si Joy sa kusina at sumunod na siya. Ngayon nga, heto siya't nanggugulo.

"Gusto mong ihampas ko sa'yo 'tong upo? Kakasimula ko pa lang!"

Hindi niya mapigilang matawa ng malakas. Bukod kasi sa natutuwa siya sa hitsura ni Joy sa tuwing naiinis ito sa kanya, hindi naman upo ang hawak ng dalaga—o binata. Kung anuman ang gusto niya.

"Tanga, talong 'yan hindi upo!" aniya saka tumawa pa lalo ng malakas.

"Ang lutong ng pagkaka-'tanga' mo a!"

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon