Chapter Two

61K 1.3K 70
                                    

"Sino naman 'to?" tanong ni Ian sabay turo sa babaeng nandun.

"Girlfriend ko, may problema ka?" sagot ni Joy.

"What?!" Kung may lalakas pa sa pagsabog ng bomba, yung pagsigaw na ni Ian yun.

Napasabunot si Ian sa buhok niya saka tinalikuran si Joy. Huminga siya ng malalim saka bumilang hanggang sampu bago humarap ulit. Sa pagkakataong ito, kontrolado na ang bawat salita.

"Hindi mo naman ginagawa 'to para lang hindi matuloy ang kasal natin di ba?" tanong niya habang nakapikit.

"Kasal?" manghang tanong ng babae.

Napakunot ang noo ni Ian at tinignan ito. Base sa hitsura nito, wala itong alam sa nangyayari. Nagpapalit-palit ang tingin niya rito at kay Joy.

"Hindi ako magpapakasal sa kanya, babe. Don't worry. Hindi ako kailanman pumayag na magpakasal sa kanya at hindi ako papayag kahit kailan."

Halos masuka si Ian sa narinig. Babe? Seriously?

"Joy—"

"It's Jay," putol ni Joy o Jay sa sinasabi ni Ian.

"Whatever. Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal natin. Excited na sina Mama at Papa. Kung tutuusin nga, hinahanda na nila lahat," aniya.

"I don't care. Problema mo yan." Pagkasabi noon ay tumayo si Joy saka bumaling sa girlfriend niya. "Rihanna, let's go." Tumango naman agad ang dalaga saka sumunod sa kanya.

Nang makalayo ang dalawa, hindi napigilan ni Patrick ang tumawa. Halos hindi na siya magkandaugaga sa pagtawa. Tinitigan lang siya ni Ian at hinintay na matapos siya.

"Nagagawa mo pang tumawa sa sitwasyon ng kapatid mo?" amused na tanong ni Ian.

"What? It's funny, you know. Though nagulat talaga ako, wala namang kaso sakin kung ganyan ang kapatid ko. She's my sister and I love her no matter what," ani Patrick.

"Alam mo, ang weirdo niyong magkapatid. Hindi ko nga alam kung paano kita naging kaibigan eh."

"It's because you're also a weirdo."

Napailing na lang si Ian sa inaasta ni Patrick.

"We need to do something."

~*~

Kanina pa tanong ng tanong si Rihanna kay Joy kung saan sila pupunta habang sakay ng taxi. Si Joy naman, hindi pa rin sumasagot. Nag-iisip siya ng dapat niyang gawin rungkol kay Ian. Panigurado kasi, hindi yun titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Unang beses niya pa lang nakilala ang binata, napansin niya na ang pagiging self-centered nito. Wala itong pakialam kung sino man ang masasagasaan basta ang mahalaga, masunod ang gusto.

"Babe naman eh! Kanina pa kita tinatanong!" ani Rihanna.

Noon lang napatingin si Joy sa dalaga. "Ano yun?" tanong niya.

"Nakaka-inis ka naman eh. Sabi ko, saan tayo pupunta?"

"Ahh, sa condo ko. Dun na lang tayo tumira. Ayaw namang pumayag ni Kuya na sa mansion ka rin tutuloy eh," aniya naalala ang pagtatalo nila kanina ng kapatid.

Pinagpilitan niya kanina na sa mansion din tumuloy si Rihanna dahil wala naman itong ibang matitirhan dito sa Maynila. Ang kaso, ayaw pumayag ng Kuya niya. Ayaw niya rin namang basta na lang hayaan na mag-isa ang dalaga dahil ngayon lang ito nakarating sa syudad.

Kinuha ni Joy ang susi niya sa condo pagkatapat nila sa unit. Ipinasok niya yun sa knob pero hindi yung sumasakto. Kunot ang noong napatitig na lang siya sa pinto.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon