Prologue

104K 1.7K 25
                                    

"Kuya, isa na naman 'to sa mga pranks niyo niyang best friend mo di ba?" sabi ni Joy.

"Mukha bang nanloloko lang kami, Joy?" sabi naman ng Kuya niyang si Patirck. "You'll marry Ian. And that's final. Pinag-usapan na natin 'to di ba?"

Isang linggo na ang nakakalipas ng sinabi sa kanya ng Kuya niya ang tungkol rito. Akala niya, nagbibiro lang ito. Naisip niyang, he love her too much para lang basta ipakasal sa lalaking hindi niya naman mahal.

Paliwanag ng kapatid niya, naba-bankrupt na sila. Isang pinagkakatiwalaan nitong tao ang bigla na lang naglahong parang bula at iniwan silang lubog sa utang. Si Ian lang ang may kakayahan na tumulong, ang kaso, hindi ito pumayag nang walang kapalit. At siya ang kapalit na hinihingi nito.

Ian's parents adore her so much. Mula pa nang una siyang makita ng mga ito at gusto na ng mga itong siya ang maoangasawa ng anak. Hindi niya yun masyadong sineryoso. Who would have thought that this day would come?

"You can't do this to me, Kuya."

"Look, Joy. We don't have any other choice.I did my best, believe me." Huminga ng malalim si Patrick saka yumuko. Ilang sandali lang, iniangat uli nito ang tingin kay Joy. "Besides, I trust Ian. He's my best friend, remember? I know he'll take good care of you. And maybe in the future, you'll fall in love," aniya.

She smirked. "Fall in love? Anong akala mo samin, Lana and Jace version two-point-o? Once in a blue moon lang ang love story na tulad ng kanila. Besides..." Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Ian. "Wala sa kalingkingan ni Jace yan."

That's a lie.

Actually, kung looks ang pagba-basehan, walang maire-reklamo kay Ian. Pagdating sa personality, well, he's rude and all that pero kahit paano may kabaitan pa rin namang taglay. But still, she doesn't want to marry him for some reasons.

"Oh, c'mon. You're talking about Jason Garcia? Mas gwapo pa ako dun eh," biglang singit ni Ian.

Tinignan niya ng masama si Ian saka bumaling sa kapatid. "May kumakausap ba dito?" aniya sabay turo kay Ian.

Hindi pinansin ni Ian ang pangbabara niya at nagpatuloy lang. "You'll fall in love with me, I guarantee you," anito.

Mabilis na tumingin siya sa binata saka humalukipkip.

"I'll never fall in love with you! That's the truth. Get that?"

Tawa lang ang naging reaksyon ni Patrick sa sagutan ng dalawa.

"Joy, at least think about it," ani Patrick.

Padabog na tumayo ang dalaga. "Ayoko. And that's final."

Tumakbo agad siya papunta ng kwarto niya. Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto ay nakapagdesisyon na siya. Gagawin niya ang lahat para lang hindi matuloy ang kasal.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon