Chapter Forty Two

44.2K 1K 54
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pre, pwedeng bumitaw," pang-aasar ni Lander kay Ian. Simula kasi nang pumunta sila sa reception area ay hindi niya na binitawan ang asawa.

Sa ngayon, naglilibot sila sa mga bisita habang kumakain ang mga ito. Nagpapasalamat sila para sa pagdalo ng mga ito sa kasal nila.

"Nah. Never," aniya saka tumingin kay Joy. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa mga kaibigan niya.

"Kapag ako ba ang nagsabi, bibitaw ka?" ani Patrick.

"Uhm, nope." Pagkasabi nun ay lalo niya pang hinapit palapit sa kanya ang asawa.

"Good. Subukan mo lang saktan ulit 'yang kapatid ko, makikita mo, ililibing na talaga kita ng buhay."

Napangiwi siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi na siya sumagot at hinalikan na lang sa buhok si Joy.

"'Wag ka nga, Kuya! Gagawin mo pa 'kong biyuda," ani Joy.

Seryosong tinignan ito ni Patrick.

"Seriously, Joy. 'Pag sinaktan ka ulit ng pasaway na 'yan, hindi ako mangingiming ilibing 'yan," anito.

Tumawa si Joy pero hindi siya. Alam niyang seryoso ito sa sinasabi. Sumeryoso rin siya saka nagsalita.

"Well, I guess I'll live long," aniya saka nagkibit ng balikat.

Nakangiting tumingin sa kanya si Joy saka yumakap sa beywang niya.

"I love you," bulong niya rito.

"Yeah, I know. You've been telling me the whole day," natatawang sabi nito.

Kahit siya, hindi na mabilang kung ilang beses niyang sinabi ang mga salitang 'yun. At wala siyang balak na tumigil hanggang sa mapaniwala niya ang sarilign hindi siya nananaginip lang. Na ang matagal niya nang pinapangarap ay natupad na rin sa wakas.

"Tara, let's go to my friends," ani Joy. Nagpatianod na lang siya nang hilahin siya nito sa kamay.

~*~

Nakita niyang masayang nagku-kwentuhan ang mga kaibigan niya kaya naman hinila niya agad si Ian palapit sa mga iyon. Minsan lang sila ma-kumpleto sa ngayon dahil nga sa ibang bansa na naglalagi si Jacky kaya gusto niya sanang samantalahin ang pagkakataon.

"Hi, friends!" aniya sa mga ito.

Nakangiti namang sinalubong siya ng mga ito. Pero napatitig siya sa isang naroon dahil hindi siya aware na kasama ito sa mga bisita nila.

"Congratulations, Joy," ani Vince.

Nagpasalamat siya rito saka pasimpleng tumingin kay Aya. Mukha namang wala lang dito ang presensya ni Vince.

Magsasalita pa sana siya nang tawagin sila ng emcee para sa paghahati ng wedding cake.

Lumapit agad sila ni Ian sa harap habang pinatayo naman ng emcee ang mga bisita.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon