Chapter Seventeen

38.8K 1K 109
                                    


Babala: Medyo SPG.


-----------------------------


I'm falling...

Nagising si Joy na wala na sa tabi niya si Ian. Hinanap niya ito at nakitang nakatayo sa balcony habang umiinom ng kape.

Naalala niya pang nagising siya ng madaling araw nang maramdaman ang mga halik nito. Hindi siya dumilat pero alam niyang totoo 'yun at hindi siya nananaginip lang. Ramdam niya pa ang bilis ng tibok ng puso niya sa ala-alang 'yun.

Bumangon na siya at pumunta sa balcony. Wala sa sariling yumakap siya kay Ian mula sa likod.

"Good morning," aniya.

Ramdam niyang natigilan si Ian sa ginawa niya. Inalis nito ang pagkakayakap niya at humarap sa kanya kapagkuwan. Marahan siyang hinalikan sa buhok pero hindi ito ngumingiti tulad ng lagi nitong ginagawa.

"Maligo ka na't magbihis. Mag-empake ka na rin. Dadaan na lang tayo sa resto para mag-almusal," anito.

"Uuwi na tayo?!" gulat na tanong niya.

"May kape sa kitchen kung gusto mo. I'm giving you an hour para maghanda," anito pa, hindi sinasagot ang tanong niya. Lumabas na rin ito ng kwarto nila kapagkuwan at iniwan siyang nagtataka.

"Problema nun? Pagkatapos kong ipaalam sa kanya na mas matimbang na siya kaysa kay Rihanna? Ugh! Ang lakas talaga ng sapak!"

Inis na isinalampak niya na lang sa traveling bag ang mga damit na inilagay niya sa closet. Pagkakuha ng damit na bihisan, nagdadabog pang pumasok siya sa banyo para maligo.

"Kainis!" aniya sabay tili nang maramdaman ang lamig ng tubig. Sa sobrang inis niya kasi, hindi niya napansin na hindi sa mainit niya napihit ang shower.

"Ugh! Bwiset ka talagang Ian ka! Sabi ko na nga ba e. Pakitang tao ka talaga!"

Napa-pitlag pa siya nang malakas na kumatok si Ian sa pinto ng banyo.

"Mj? Ayos ka lang d'yan? Bakit ka tumili? Napaano ka? Bubuksan ko 'tong pinto!" pasigaw pang sabi ni Ian. Halata sa boses nito ang pagpa-panic.

"H'wag!" ganting sigaw niya. Hinablot niya agad ang tuwalya at tinakpan ang katawan kung sakaling buksan bigla ni Ian ang pinto. "Ayos lang ako! Namali lang ako ng pihit nitong shower!"

Hinintay niyang magsalita pa si Ian pero wala na siyang narinig. Mukhang umalis na rin ito nang marinig na ayos lang siya.

"Tss. 'Kita mo 'yun. Kunwari pang concern!"

Minadali niya na ang pagligo at naghanda na para maka-uwi.

~*~

"Let's go," wala pa ring buhay na sabi ni Ian.

Itatanong niya sana kung anong problema nito pero bigla na lang itong tumalikod at iniwan siya sa may sala ng condo. Naiinis na sinundan niya na lang ito palabas.

Dahil asar na asar na siya sa kinikilos ni Ian, nanahimik na lang siya at hindi ito kinibo hanggang sa makasakay ng kotse.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa kanya pagka-buhay sa makina ng sasakyan.

Hindi siya sumagot. Desidido siyang bigyan ito ng silent treatment.

Akala mo ha! Talk to yourself!

Hindi niya tinignan si Ian kaya hindi niya alam kung anong naging reaksyon nito. Naramdaman niya na lang ang pag-andar ng sasakyan at pagtigil nun sa isang restaurant na malapit.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon