Chapter Twenty Six

46.3K 1K 72
                                    

"I love you," ani Ian nang ilang segundo na siyang nakayakap kay Joy.

Hindi ito sumagot pero hindi rin naman inalis ang pagkakayakap niya.

"I love you, I love you, I love you..." paulit-ulit pang sabi niya. Umaasa na maniwala na ang dalaga sa nararamdaman niya.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin kumilos si Joy. Sasabihin niya pa sana uli na mahal niya ito pero inalis nito bigla ang pagkakayakap niya.

Napatitig siya sa dalaga habang nakatalikod lang ito sa kanya. Kapagkuwan ay humarap din ito pero hindi tumitingin sa mga mata niya.

"Magbihis ka na. Uuwi na tayo," anito.

Kinuha niya ang iniabot nitong bag saka bumuntong-hininga. Hinayaan niya na lang muna itong lumayo ng kaunti sa kanya habang hindi tumitingin marahil ay para makapag-bihis siya.

Nangmatapos sa pagbibihis, kinuha niya ang saklay saka lumapit kay Joy. Nagulat pa ito sa biglang pagkapit niya sa braso nito.

"Ready ka na?" tanong ni Joy.

Nakangiti pang tumango siya.

"Okay. Tara na." Nagpatiuna na itong lumabas ng kwarto. Hinayaan niya na lang muna ito. Sa isip niya ay hindi pa siguro handa ang dalagang kausapin siya.

Nagulat pa siyang paglabas nila ng kwarto ay naroon pa ang tatlong kaibigan niya.

"O, ang bilis niyo naman? Mahina ka tala—" bago pa matuloy ni Lander ang sinasabi at dinagukan na agad ito ni Patrick.

"Need help? Ihahatid ko na kayo," ani Patrick.

"Hindi na, kuya. Ako nang bahala. Salamat sa inyong tatlo sa pagbabantay kaninang wala ako," ani Joy.

Hindi niya mapigilang mapangiti nang malapad sa sinabi ng dalaga. Pakiramdam niya kasi, sobrang halaga niya rito para ipagpasalamat pa nito ang pagbabantay sa kanya samantalang mga kaibigan niya naman ang mga 'yun.

"Wala 'yun. Basta ikaw," ani Brad sabay kindat kay Joy.

Pinaningkitan niya ito ng mata. Kahapon pa siya napipikon sa pagpapa-cute nito sa dalaga.

Isa pa, sasamain ka sa'kin, he mouted as he passed Brad.

Binelatan pa siya ng binata na lalo niyang ikinainis.

Pinilit niyang makisabay sa lakad ni Joy na halata namang binabagalan lang din ng dalaga dahil nga sa naka-saklay siya. Nang tuluyang makasabay, inakbayan niya agad ito. Hindi naman umangal si Joy at inalalayan na lang siya.

~*~

"Saan ang punta natin?" tanong ni Ian sa kanya.

Hindi niya ito tinignan at nag-focus lang sa daan.

"Mag-be-breakfast," aniya.

Hindi na kasi siya nakapag-almusal simula nang umalis siya sa ospital at umuwi para magbihis at kumuha ng mga damit ni Ian. Binalak niya talagang pag-uwi na lang saka sila kakain ng almusal.

Sa Lovie Patty niya dinala si Ian. Balak rin kasi nilang magkita ng kaibigan niyang si Jenelle dahil may ibibigay ito sa kanya. Dahil nga tambay 'yun ng resto ng kuya niya, doon sila madalas na magkita.

~*~

Hindi mapigilang maalala ni Ian ang ilang engkwentro nila ni Joy sa resto ni Patrick pagpasok pa lang nila roon. Madalas niyang asarin ang dalaga noong mga bata pa sila sa hindi niya malamang kadahilanan. Iniisip niya noon, natutuwa lang siya sa tuwing iniirapan siya nito. Ngayon, alam niya na kung anong totoong dahilan.

He's My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon