Kabanata I

1.9K 32 0
                                    


Craye

*kringgggggggggg*

"Hui Craye, alam mo bang lunch break na?"- sabad si Mon sa side ko at kinulbit kulbit pa ko.

Tumunghay ako para tingnan sya, she's annoyed. Lagi naman na, walang bago.

"Ano, tititigan mo lang ako? Craye alam kong maganda ko pero wag ka namang pa-obvious". Sabi nito ulit tyaka tumawa.

"Pwede ba Mon, puyat ako." Wala akong nagawa kundi tumayo at ayusin ang gamit ko at tumayo na din sya.

"Aba! At parang kasalanan ko pa ngayon na puyat ka. Nakakahiya naman ano?" Maktol ni Mon sa akin tyaka ito namewang.

Gusto kong matawa dahil napaka short tempered nya, as in. Hindi ko na lang sinagot at nagpatuloy na lang ako sa pag aayos ng gamit ko para makapag lunch break na din.

Third year college na kami pareho ni Mon, actually we're taking up BS Architecture. Sa loob ng three years ko dito sya lang ang masasabi kong kaibigan, may mga kaibigan pa din naman akong iba na nakakasama ko, namin.

"Gagi, Tara na lutang kana naman." Sabi ni Mon sabay hatak sa akin palabas ng room papunta sa canteen.

Habang binabaybay namin ang corridor, hindi ko maiwasang hindi tingnan ang room nya. Btw, she's taking up BS Civil Engineering.

"She's at the canteen na, tayong dalawa na lang talaga yung inaantay nila." Sabad ni Mon habang hila hila ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, ewan ko pero lagi syang hanap hanap ng mga mata ko.

Papasok na kami sa canteen ng may biglang sumingit saming dalawa ni Mon, literal na sumingit sya sa gitna naming dalawa kaya nabitawan ni Mon ang pagkakahawak nya sa wrist ko.

"Guy's, grabe antagal nyo ha. Kanina pa kami nakaorder ng lunch natin, libre daw ni Gianne kasi birthday ng alaga nyang dog." Natatawang sabi ni Justine sabay hila nya sa wrist ko. Oo, sa wrist ko lang kasi pagtingin ko kay Mon, nakakunot na naman ang noo nya. Naiwan kasi namin sya sa pinto ng canteen.

"Pwede ba Mon halika na, aarte kapa jan." Sabad naman ni Gianne tyaka nito tinawanan si Mon.

Walang nagawa si Mon kundi ang sumunod na lang sa amin.

Yes! We have circle of friends pero si Mon talaga yung pinaka close ko sa lahat. Sa kanya ako nag oopen up, basta sa kanya lahat.

Umupo ako sa bakanteng upuan, si Justine ay umupo kung saan talaga yung pwesto nya. Bale ganito yung pagkakasunod-sunod. Ten yung chairs sa table namin, Si Sally sa dulo ng table then sa left nya ay si Angel then vacant chair kasi nakapatong yung bag doon ni Angel, after non si Justine then vacant ulit. Walang umupo sa tapat ni Sally sa kabilang dulo kaya ang siste katapat ni Mon yung vacant chair, then ako, si Gianne at Sandy. Wala pa kasi si Maice.

            Angel   vacant  Justine  vacant
Sally
            Sandy  Gianne     Ako      Mon

"Hey, Kerubin anung inorder mong food?" Tanong ni Mon sa side ko at tatawa-tawa.

"Monnnnn! Don't call me Kerubin, nakakainis naman to ehh." Maktol ni Angel kay Mon.

"Hindi kana nasanay kay Mon, ganan na talaga yan." Singit naman ni Sandy

"Guy's wait lang, Maice texted me and nagpapasundo sya sa Lib, puntahan ko lang ha." Singit naman ni Justine sa usapan, kaya pala busy sya kanina pa sa phone after nya kong higitin at naupo.

"Pakisabi Kay Maice na hindi na makapag intay tong sikmura ko." Tatawa tawang pahabol ni Sandy ngunit ngumiti lang sa kanya si Justine bilang tugon.

Habang tinitingnan ko ang papaalis na si Justine ay hindi ko maiwasang mainggit kay Maice, sila kasi yung super close na dalawa. Like parang katulad namin ni Mon. Ganon si Justine at Maice.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon