Kabanata XI

675 28 1
                                    

Craye

Tapos na ang Univ. Week at balik na naman sa normal ang lahat.

Wala ako sa mood pumasok today, gusto ko lang sanang umabsent at mahiga sa bahay buong maghapon.

Hindi pa naman ako late at 7:37am pa lang naman.

Habang naglalakad ako sa corridor ay nakita ko si Lance, actually makakasalubong ko sya. Ewan ko pero bakit parang gusto kong umiwas sa kanya, wala naman syang ginagawa sakin pero hindi ko talaga sya vibes.

"Hi Craye." Bati nya sakin, ayoko namang maging rude kaya ngumiti na lang ako tyaka sya nilampasan.

"Ahhh Craye." Imik nyang muli kaya nilingon ko sya. Wala akong makitang emosyon sa mukha nya.

"Yes?" Pag tugon ko na lang

"Alam mo ba ang bahay nina Justine?" Tanong nya sakin ngunit naramdaman ko din na worried sya

"Hummm yes, but why?" Tanong ko, kasi si Justine yun and bakit nya tinatanong diba?

"I'm just worried, kahapon kasi habang inaayos namin itong university dahil sa nagdaang Univ. Week ay medyo masama na yung pakiramdam nya and ngayon sinilip ko sya sa SSC nasabi doon na hindi daw makakapasok si Justine." Mahabang paliwanag ni Lance

Sa sinabing yun ni Lance ay gusto ko nang takbuhin ang kotse ko para mapuntahan si Justine sa kanila kaya lang ay may long quiz kami sa major subject mamayang 8am.

What the f*ck!

"Sa high land Subd. sya, ipagtanong mo na lang kung saan yung mga Robles." Sinagot ko na din kahit pa ayoko, at least may concern sa kanya si Lance.

Hindi sa pinababayaan ko na lang, dahil sa alam kong hindi nya pababayaan si Justine.

Alam ko yun, kitang kita ko yun sa mga mata ni Lance. Ganon kaimportante si Justine sa kanya.

So sayo hindi importante ganon ba? -inner self

Importante pero kasi may long quiz ako sa major ko.

Sabi nga diba "Diploma muna, bago jowa"

"Salamat Craye." Patakbo syang umalis at tinapik nya pa ang balikat ko indikasyon na aalis na sya

Nakita ko na yung room ng first subject namin, marami nang napasok na mga ka-block ko. Yung iba ay may hawak pang reviewer pero ako, hindi ko pa rin alam kung tama ba ang desisyon ko na mag take ng long quiz.

Tangina Justine!

Bahala na si Batman kung babagsak ako.

Nakita ko na lang ang sarili ko na papalayo kung saan yung room namin, binabaybay ang daan papunta sa parking lot para puntahan si Justine.

Dumaan na muna ako sa super market para bilhan ng fruits si Justine at mga ingredients para sa paggawa ng chicken soup, yun kasi yung mabisa para sa mga may flu.

Bahala na kung mauuna sakin si Lance, ang mahalaga mabigay ko yung mga needs ni Justine.

Kailangan ko syang alagaan.

Binabaybay ko na ang daan papunta kina Justine, chineck ko ang phone ko at nagwawala na si Mon, may 13 text sya at 55 missed call.

8:33am na, sigurado akong kanina pa nagsisimula ang long quiz.

Nasa tapat na ko nang bahay nila, lumabas na ko ng kotse ko at bitbit ko na din ang mga pinamili ko.

Kinakabahan man at tinuloy ko na, nag door bell na ko.

Laking gulat ko nang si Justine ang masilayan ko na papalabas ng gate nila, Teka walang sakit si Justine?

Diba sabi ni Lance may sakit sya?

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now