Kabanata XXI

610 27 7
                                    

Craye

Monday

Pag parada ko pa lang ng kotse ko sa parking lot ay nakita ko na agad si Kylie na nakasandal sa kotse nya, feeling ko ay ako ang inaabangan nya dahil nakatingin sya sa kotse ko.

Lumabas na ko at tama nga, paglabas ko ay agad syang nag lakad papunta sakin ngunit may dala syang cup of coffee.

"Good morning Craye, hot white chocolate for you." Sabi nya sakin tyaka nya inabot

Kinuha ko ito, may nakadikit pang sticky note.

"Smile for me."

I don't know, pero pagkabasa ko pa lang ay kusa nang nag form sa smile ang labi ko.

"May nakapag sabi lang na favorite mo daw yan." Sabi ni Kylie sakin tyaka sya nag wink.

"Yeah! Thank you." Pag-amin ko

"Anung oras ang class mo? Tara sa garden, alam ko kasi masarap ang fresh air dun pag mga ganitong oras." Yaya sakin ni Kylie pero hindi pa man ako nakakasagot ay hinila nya na ko papunta dun

Binabaybay namin ang parking lot nang makita ko si Justine, she's not looking at me. May inaayos ata sya sa kotse nya or may kinukuha, not sure kasi nasa labas sya pero ginagalaw nya yung car wiper nya.

"Hi Justine, something wrong?" Biglang tanong ni Kylie, nakita nya din pala si Justine

"Ahhh no, nothing." Sagot nya at tumingin sya sakin pero tumingin ulit sya kay Kylie. "May nag iwan lang nito sa car ko." Dagdag nya tyaka nya pinakita yung white piece of paper na nakatupi

"Ohhh nice, secret admirer?" Balik tanong ni Kylie

"I don't know yet." Sagot nya tyaka sya ngumiti

"Sige Justine, see you around." Sabi ni Kylie "pahiram muna nang kaibigan mo ha." Dagdag nya pa tyaka nya ko hinila ulit

Tumingin ako kay Justine pero hindi sya nakatingin sa akin.

I'm still hoping pero baka sinabihan na din sya si Maice na layuan ako.

But then, I'm curious kung anu ba yung papel na hawak nya kanina, kasi nung nakita ko yun ay bigla akong kinabahan.

Pagdating namin sa garden ay naupo lang kami sa isa sa mga bench na nandon.

"Craye, next week sumama kana sa aerobics ha. Wala ka daw kasi sa inyo nung Saturday morning." Pagbubukas ni Kylie nang usapan

"Yeah! Oo naman, sasama na ko." Pagpayag ko na lang

"Saan ka nga ba galing nun at umagang umaga wala ka, I mean sabi pa nga ni Tita na hindi ka daw umuwi." Tanong sakin ni Kylie

Sa Lugar kung saan ako masaya. Yan ang eksaktong salita na gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko sinabi.

"Nakatulog ako sa resto bar nang pinsan ko, wala ehhh hindi ko na nakayanan pang umuwi." Pagsisinungaling ko na lang

"Sabi nga ni Tita ay andun ka nga daw, bakit hindi ka tumawag sakin para naihatid manlang kita pauwi." -Kylie

"Okay lang no, edi naistorbo pa kita non."

"Kaya nga ako nanliligaw sayo ehhh, dagdag points ko kaya yun." Sabi ni Kylie tyaka nya biglang hinawakan ang kamay ko, ang isang kamay ko kasi ay hawak ang bigay nya

Gusto kong bumitaw, gustong gusto ko ngunit paano?

"Omg! Ang sweet naman nyan, umagang umaga ha." Bigla akong nagulat sa pagsulpot ni Sally at ganon din ang bigla ko nang bigla nyang pinicturan yung kamay namin ni Kylie na magkahawak

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon