Kabanata XXII

583 23 2
                                    

Justine

1 week na din ang lumipas simula nung iniwasan ko si Craye.

Baka nga kasi tama si Maice, tama na iwasan ko na, tama na layuan ko na, tama na tigilan ko na at tama na din yung pagpapakatanga ko.

Mahal ko naman, sobrang mahal ko pa pero ang sabihin sakin ni Maice ang lahat, napaisip ako.

Kung mahal nya ko sana hindi nya na pinatagal, kung mahal nya ko sana ipinaglaban nya, kung mahal nya ko nireject nya na at kung mahal nya ko hindi nya hahayaan na umabot pa ko na ako yung nag mamakaawa sa kanya.

Ang sakit lang din kasing makita na lagi na lang si Kylie ang kasama nya, tapos ako magkakasya na lang sa kung anong ibibigay nya. Ang totoo ay ayoko din naman ng sitwasyon ko, pero pinili ko pinilit ko kasi mahal ko.

Kasi madalas halos mabaliw na ko kakaisip kung anong ginagawa nila ni Kylie pag sila ang magkasama, ang isiping ginagawa nila ang ginagawa namin ni Craye ang hindi ko kayang tanggapin.

Ang unfair din sakin na ako yung lumalabas na pangalawa na kahit hindi naman. Nakakainggit lang si Kylie na kaya nyang gawin yung mga gusto nya nang lantaran, kaya nyang gawin ang lahat para kay Craye nang walang iniisip. Kasi hindi nya naman alam na mahal ko din yung taong mahal nya.

Lagi lang sinasabi ni Craye na mahal nya ko pero hindi nya naman kayang ilantad. Ewan ko, siguro nga oras na para unti unti ko na syang bitawan.

"Hi Justine, can we talk." Nagulat ako sa pagsulpot ni Mon sa SSC office pero tumango lang ako para papasukin sya

"About what?" Alam ko na ang pag uusapan namin pero tinanong ko pa din

"Pwede ba tayong mag usap sa music room?" Tanong nya

"Sure." Sagot ko tyaka ako tumayo sa inuupuan ko

------------------

Music room

"Justine, about Craye? Wala na bang chance?" Tanong sakin ni Mon

"Ilang chance pa ba Mon?" Sagot ko naman

"Justine, sobrang mahal na mahal ka ng best friend ko. Sana naman bigyan mo pa sya nang pagkakataon." Sabi ni Mon tyaka sya umupo sa bass at umupo ako sa sofa na nandoon.

"Tama na Mon, ilang beses ko na bang narinig yan sa kanya? Lagi nya lang sinasabi pero hindi naman nya ginagawa. Pakiramdam ko nga dahil alam nyang sobrang mahal ko sya kaya ganyan sya, kasi feeling nya hindi ko sya kayang Iwan." Paliwanag ko

"Hindi ko din naman kasi alam kay Craye kung bakit sya naghohold, kung bakit hindi nya magawang i-reject si Kylie." -Mon

"Baka nga kasi mahal nya na, ayaw nya lang aminin sa sarili nya. Kasi kung mahal talaga nya ko, una pa lang nagawa nya na kaso sobrang tagal na." Sagot ko kay Mon "tyaka Mon, kaibigan mo din naman ako sana naiintindihan mo ko." Dagdag ko

"Kasi nung magkasama kayo alam ko kung gaano kayo kasayang dalawa kaya humihingi pa ko nang chance sayo, alam mo yan dahil wala man ako dun pero pinararamdam nyo sakin." -Mon

Naalala ko na naman ang mga araw na yon, kung saan ayoko nang matapos pa. Sa mundong kami lang ang nakakaalam, sa mundong masaya lang.

"Kaso Mon, hindi naman ganitong sitwasyon ang gusto ko. Si Kylie lantaran nyang hinahawakan, lantaran nyang pwedeng makasama. Mon tama si Maice ehhh, hindi pwedeng ganito lang ako, hindi pwedeng mag intay na lang ako lagi nang mga kaya nya lang ibigay." Sincere kong sabi kay Mon, pero nakita kong tumayo sya tyaka sya tumabi sa akin

"Kung ganon, anong balak mo?" Tanong nya tyaka ako hinawakan ni Mon sa kamay ko

"Sabi nga ni Maice, babalik na lang daw sya sa dati nyang university at isasama nya na ko para daw hindi na ko masaktan sa araw-araw, kasi kahit sya nasasaktan na sa nangyayari sa akin." Paliwanag ko

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now