Kabanata XX

652 23 4
                                    

Craye

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Napabalikwas ako dahil wala si Justine sa tabi ko.

9:12am

Agad ko syang tinawag ngunit walang nasagot, tumayo ako para hanapin sya sa buong kabahayan ngunit agad ko din namang nakita ang isang sticky note katabi ng susi ng kotse ko na nakapatong sa table at may nakasulat.

Craye,

Sorry kung iniwan kita, maaga akong sinundo dito ni Maice. Hindi na kita ginising pa dahil baka magtalo lang kayong dalawa. Thank you sa kagabi, I love you always.

Justine

Napa-face palm ako!

Nag-ayos na ko para makauwi na din, siguradong pag uwi ko hindi ako palalampasin ni Maice.

After ko mag-ayos ay iniwan ko na lang din yung rest house na tinuluyan namin. Nilock ko na lang ang pinto.

-------------------

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Mama, si Papa kasi ay isang Engineer sa ibang Bansa, then si Kuya ewan ko kung nasaan pero weekend naman.

Nagulat ako kay Mon sa biglang pagsulpot nya galing kusina, may dala syang ice cream na nasa cone.

"Kumuha na ko sa ref nyo, kakaalis lang ni tita. Expected ko na ang dating mo hapon pa or bukas pa nga ehh, bakit ang aga? Kamusta naman ang honeymoon nyo? Wait, Craye aminin mo masarap ba kumiss si Justine? Yieeee!" Panunukso pa sakin ni Mon

Hindi ko sya sinagot at nilampasan na lang, dumarecho akong kusina para uminom nang tubig. Wala ako sa mood kumain kahit na gutom ako.

"Hoy Craye! Anong attitude yan? Hindi kaba naka first base?" Dagdag pa ni Mon

Nakakainis! I love Mon, I really do pero f*cking sh*t diba? Hindi ba sya marunong makiramdam?

"Mon, first walang ganong nangyari, second natulog lang talaga kami doon, third iniwan ako ni Justine doon ng mag isa dahil maaga syang sinundo ni Maice at nagising na nga lang ako ng wala sya. At sigurado akong pag nagkita kami ni Maice, may gulo." Paliwanag ko kay Mon, napanga-nga sya sa sinabi ko

After ko sabihin yun ay umakyat na ko pero napansin kong sinundan ako ni Mon.

"Craye, aminin mo nga itinakas mo si Justine?" Tanong ni Mon sakin

"Hindi! Feeling mo gagawin ko yun? Si Justine pa nga ang nagyaya sakin doon." Sagot ko

"Ehh bakit magagalit si Maice?" Tanong nyang muli

"Sa tingin ko akala nya tinatake advantage ko yung best friend nya porke mahal nga ako ni Justine, ehh bakit mahal ko din naman si Justine. Hindi ko lang talaga naaayos pa yung samin ni Kylie. Si Maice kasi ang nagmakaawa sakin na ayusin ko muna ang lahat bago ko angkinin si Justine, tapos ngayon malalaman nya na magkasama kami." Paliwanag ko pa

"Bakit sayo sya magagalit? Bakit hindi kay Justine?"

"Mon, sa palagay mo magagalit yon kay Justine? Sige sabihin na natin na magagalit yon, pero mas magagalit yun sakin. Baka nga mas magalit yon pag nalaman nya na nagmakaawa si Justine sa akin."

"Hindi naman talaga malaki ang problema mo Craye, Ikaw lang ang nag papalaki nito." Seryosong sabi ni Mon sakin "i-reject mo na si Kylie para tapos na, yun lang din naman yung gusto ni Maice. Ayaw nya lang siguro na yung best friend nya natatanga na sayo pero hanggang ngayon tinatago mo. Imagine, gaano kasarap ipagmalaki si Justine? Lahat ng kaibigan natin hindi naman tututol sayo."

Tumingin lang ako kay Mon

"Look Craye, nakita ko kayo kahapon ni Kylie na nagdidikit sa bulletin. Hindi na lang ako nakialam pa, pero si Justine ang kasama mo nung umaga pa lang. Hindi na din kita tinanong kung anong nangyari, pero isa lang ang sure ko don. Nasaktan mo na naman si Justine for sure, tapos mababalitaan ko kasama mo sya kagabi sa isang rest house? Kung ako ang best friend ni Justine, tama nga mali ako ng analysis. Dapat lang na magalit sayo si Maice. Gusto pa kita ipagtanggol pero mali kana nga."

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now