Kabanata XXV

598 28 18
                                    

Justine

After class ay dumarecho na ko palabas ng Univ. hindi ko naman nadala yung kotse ko kaya wala akong choice kundi mag commute. Ayoko namang makaabala pa sa iba, medyo late na din ako umuwi dahil may need akong basahin sa lib about sa rizal's life.

Mag half day lang si Maice ngayon kaya wala akong masabayan.

Medyo madilim ang langit ngayon, mukang kahit ang panahon ay hindi naayon sa akin.

6:15pm nang makarating ako sa sakayan nang jeep, mabuti na lang at may shed kaya doon ako nag stay habang hindi pa malakas ang ulan.

After 10 minutes ay wala pa ring nadaan na jeep, napatak na din unti-unti ang ulan. Malas at wala pa naman akong payong na dala.

Muli akong nag intay ngunit sa pagiintay ko ay lumakas na nang tuluyan ang ulan. Medyo nababasa na din ako, tatlo na lang kaming andito sa shed at mas lalo pang dumilim.

6:48pm na, nasasayang ang oras ngunit walang nangyayari dahil walang nadaan na sasakyan. Palakas pa ng palakas ang ulan.

Out of nowhere, bigla kong naisip si Craye para tawagan at magpasundo. Tanga na pero gusto ko din syang makasama. Bahala na, pero kasi sobrang namimiss ko na sya at same way naman kami nang bahay.

[Hi Craye, favor naman can you pick me up here sa shed sa sakayan ng jeep sa school? Wala kasi akong dalang car and malakas ang ulan, sorry kung naabala kita.] Text ko kay Craye

Lahat nang sinabi at ginawa ko noong nakalipas na araw ay kinain ko lang din lahat, ewan ko pero hindi ko sya kayang tiisin. Hindi ko na kayang hindi sya nakakasama, ganon ako karupok sa kanya.

[Sure Justine, sakto at pauwi na din kami, palabas na kami ng gate.] Reply sakin ni Craye

Malayo pa lang ay kita ko na ang kotse ni Craye, papalapit na ito sa akin.

Tumapat ito sa mismong harapan ko, nag bukas ang bintana. Sa hindi inaasahan, nandoon si Kylie nakaupo sa unahan katabi si Craye.

Bakit hindi ko manlang naisip na magkasama sila, sabi nga pala ni Craye sa text ay "kami", so si Kylie pala ang kasama nya at hindi si Mon.

Wala akong choice kundi ang pumasok at maupo sa likod, hindi na ako pwedeng tumanggi pa dahil ako naman ang humingi ng favor nito sa kanya.

Pinaandar na ni Craye ang kotse.

Wth! Bakit nawala sa isip ko si Kylie?

"Kamusta Justine? Okay ka lang ba? Anung kailangan mo?" Tanong ni Kylie pag-pasok ko pa lang.

"Ahhh wala, okay lang." Sagot ko tyaka ko kinuha yung panyo kong dala na nasa bulsa ko lang tyaka ko ginamit sa mga nabasa kong parte ng katawan

Nakita ko na nakatingin si Craye sakin mula sa salamin, ngumiti ako ng tipid.

Yung dating pwesto ko, pwesto na ni Kylie ngayon. Yung hinahanap hanap kong pag-aalaga sakin ni Craye minsan ay hindi ko pala mararanasan. Nagpaka tanga na naman akong muli.

Hanggang kailan ba ako matatauhan? Hanggang kailan ba ako titigil? Hanggang kailan ba itong pagmamahal ko kay Craye.

Sa huli ay parang naawa na lang ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko.

Gustong tumulo nang luha sa mga mata ko ngunit kailangan kong pigilan.

"Justine, saan yung house nyo para nahahatid kana namin agad? Ikaw na uunahin ni Craye para makapag palit kana nang damit." Basag ni Kylie sa katahimikan

"Ahhh alam na naman ni Craye yun." Sagot ko na lang at ngumiti

"Okay lang bang buksan ko tong radio?" Tanong ni Kylie

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now