Kabanata XIII

659 25 15
                                    

Craye

Iniwan ko ang bouquet na bigay ni Kylie sa akin at tumayo, umalis na ako ng walang paalam.

Basta ang alam ko lang hahabulin ko si Justine, may kailangan akong malaman.

Tinawag pa ko nina Gianne, Mon at Angel pero hindi na ko nagpapigil pa.

Magdedesisyon na ko para sa akin, ako naman.

Hinahanap ko si Justine pero hindi ko na sya nakita, masyado syang mabilis. Nadaanan ko ang isang basurahan at nakita ko doon yung cinnamon roll na galing kay Kylie, alam kong galing yun sa kanya, itinapon nya.

Kinabahan ako sa kung anong gawin ni Justine, basta kailangan ko syang makausap, kailangan ko syang maintindihan.

Hindi ako tumigil na hanapin sya, ngunit bago ko lampasan ang Lab room ay may narinig akong umiiyak.

Walang pagdadalawang isip na pinasok ko yun, nakita ko agad si Justine na nakaupo sa ulok at nakayuko.

"Justine." Buong lakas na pagtawag ko sa kanya para malaman nyang andito na ako

"Craye, bakit ganon? Bakit ang manhid manhid mo?" Tanong ni Justine sa akin

Pero teka, ako pa yung manhid ngayon? Pero ayokong makipag talo sa kanya ngayon.

Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Justine, sorry." Yun lang ang kaya kong sabihin

"Kung medyo weird ako, sorry kasi yun yung paraan ko para mapakita ko sayong mahal kita. Sorry kung gusto ko lang na sakin ka." Pahayag ni Justine, wait umaamin ba sya sakin na mahal nya ko? Kailan pa? Bakit hindi ko manlang nahalata?

"Natatandaan mo nung humingi ako ng favor sayo na kunin mo yung notebook ni Maice sa Lib, inutos ko yun sayo para hindi kayo magkasalubong ni Kylie sa powder room, kasi gustong gusto ka nya kaya iniiwas kita." Patuloy na kwento ni Justine "that day din nung nagyaya sila na pumunta tayo ng café, tinanong kita kung anong gusto mo sabi mo yung hot white chocolate then ganon din yung order ko." Tumigil si Justine at natawa "kahit manlang dun sa order natin diba, nasabi ko sa sarili kong couple goals tayo. Sinadya ko ding tumabi sayo non kahit na alam ko na din naman ang sagot sa assignment ni Maice, wala ehhh gusto kong magpapansin sayo. Tapos nung uwian na, pinilit kong isabay ka kasi gusto ko sakin ka. Tinext ko din si Tita non, your Mom na gagabihin ka para hindi ka nya pagalitan, si Tita lang yung tinext ko nun kasi ayokong mapagalitan ka nya."

Hindi ko alam ang irereact ko, lahat yon ginawa ni Justine para sakin?

"The next day, wala na kong nagawa kasi tadhana na yung nagtagpo sanyong dalawa ni Kylie, pero sabi ko sa sarili ko ilalaban kita. Niyaya ka ni Kylie na mag lunch, grabe yung pagmamakaawa ko kay Kuya para lang ipagluto nya ko ng favorite mong beef steak, alam ko kasing hindi mo yun matatanggihan. Madamot mang pakinggan pero sinakto ko yun na walo lang, kaso malas talaga kasi busy si Gianne kaya napabilang si Kylie sa lunch natin, kasi Craye baka mabaliw ako kakaisip kung gaano ka kasaya pag kasama mo sya kaya gumawa pa din ako ng way. Chinat ko sya at sabay kaming dumating sa canteen, mas gugustuhin kong katabi ko sya kesa katabi ka nya habang kumakain." Nagpahid sya ng luha na patuloy na pumapatak sa mga mata nya. "Nung tinanong ka nya kung pwede ka ba nyang ligawan, yun din yung oras na biglang may nag announce about Univ. week, tinext ko yung Pres. namin na iannounce yon, ayoko kasing marinig galing sayo na pumapayag ka na ligawan ka nya. Sorry, sorry kung ganon kita kamahal. Sa bawat paghawak ko sa kamay mo, sana alam mo kung gaano mo ako napapasaya sa mga oras na yon."

"Justine." I'm so speechless, malakas ang tibok ng puso ko pero masasabi kong masaya yon ngayon. Now, hinawakan ko ang basang mga kamay nya.

"Remember Lance? Wag kang mag alala alam nya nga na mahal na mahal kita, after nung announcement ng Univ. Week nakita ko kayo sa rest area nina Kylie, nagmamadali ako nun na puntahan kayo kahit pa defense namin ni Lance nung araw na yun sa Chem. wala ehhh, ayokong nakikita ka na kasama ni Kylie kaya gumawa ako ng paraan para ako yung makasama mo na bumili ng pizza, basta ang gusto ko lang ay iiwas kita sa kanya at bahala na yung defense namin kaso nakakaawa naman si Lance kung mag isa sya doon kaya humingi ako ng favor kay Maice na samahan ka dun para naman mapanatag ako at makahabol ako sa defense namin." Natawa sya habang kinukwento ang eksena na yon. "Sorry din kung hindi ko na napigilan na ikiss ka, kasi that day sobrang miss na kita. Nung practice nina Maice ng vball, nagulat ako nung tumawag ka sakin na never mo naman ginawa pero masaya ako nung sinabi mong namiss mo ko, kasama ko din si Lance non, tinanong pa kita kung gusto mong tumabi sakin kaso ayaw mo, pero ako gustong gusto ko lagi na nasa tabi mo. First day nang university week, sobra na yung pagkamiss ko sayo at yung pagod ko sa paghahandle nung event kaya nung nakita ko yung kotse mo sa parking lot, hindi na ko nag dalawang isip na katukin ka, kasi nung araw na yun gusto ko lang magpa-baby sayo kasi ikaw lang naman yung source of energy ko."

"Justine! Hey Justine." Naririnig kong boses ni Maice mula sa labas

Nakita kong pumasok si Maice dito sa Lab room, matatalim ang mga tingin nito sa akin.

"Craye isa pa, bibinggo kana." Pagkasabi non ni Maice ay agad itong lumapit kay Justine, hinigit nito si Justine at inilayo sakin

"Maice, saglit lang. Nasasaktan mo si Justine." Pagpigil ko sa kanya

"At bakit ikaw hindi mo nasasaktan? Craye ayusin mo muna to. Puntahan mo dun si Kylie at sabihin mong hindi ka pumapayag, dahil naghihintay yon sayo. Umaasa yon sayo." Sigaw sa akin ni Maice, nakita ko sa mga mata nya kung gaano nya gustong protektahan ang best friend nya mula sa akin

"Maice naman." Sabat ni Justine

"Ano Justine? Alam na alam ko kung paano ka nyan nasasaktan, lahat ng pagmamahal mo binigay mo na sa kanya. Ikaw paano ka? Just, ayoko nang makita ka na gabi gabi na lang umiiyak dahil sa kanya. Tama na, masyado kanang nagpapakatanga." Sabi ni Maice at niyakap nito si Justine

Buong tapang ko nang aaminin kina Justine at Maice ang nararamdaman ko.

"Maice sorry pero, gusto ko si Justine. Gustong gusto." Pag amin ko

"Wow! Kailan pa? Ehh wala ka ngang pakelam sa best friend ko. Oo nga naman ano? Ang saya-saya mo pa nung Univ. Week na kasama si Kylie pero si Justine, inisip mo ba? Akala ko nga nung kinasal si Lance at Justine masasaktan ka, ni wala akong makitang emosyon sayo nung nakita ko yun, andun ako nakatingin sayo kasi sabi nung best friend ko, pagmasdan daw kita kung masasaktan ka pero ganon tong best friend ko ehh, magpapakulong sa jail booth makasama ka lang kahit exempted sya. Sana alam mo din na Ikaw ang dahilan kung bakit nag inom tong si Justine mag-isa si Lance pa ang una nyang tinawagan dahil alam nya na masesermonan ko sya."

Habang sinasabi yon ni Maice, nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya. Ganon ko na ba nasasaktan si Justine? Na kahit si Maice ay iiyak na rin dahil sa sakit na nararamdaman ng best friend nya.

"Maice, tama na." Narinig kong sinabi ni Justine

"Bakit? Dahil narinig mong gusto ka din nya? No, Justine. Hindi mo deserve ang taong kagaya nya. Hindi nga nya kayang panindigan sa mga kaibigan natin na gusto ka nya, hinahayaan nya lang na itulak sya sa iba kay Kylie kasi Justine, kung gusto ka nyan una pa lang hindi nya na paaasahin pa si Kylie dahil alam nya na ang sagot doon, na Ikaw talaga gusto nya at wala nang iba pero tingnan mo ngayon? Andun iniintay sya ni Kylie, kaya Craye, ayusin mo to. Ayusin mo muna to." After sabihin yon ni Maice ay hinigit nya na si Justine palabas nang lab room.

Naiwan akong mag-isa. Sa mahabang panahon ganon na pala ako kamahal ni Justine, bakit hindi ko maramdaman? Bakit laging feeling ko kulang. Pero sa sinabi nya, grabe na pala yung effort nya para sa akin. Sobra sobrang pagmamahal na pala ang pinararamdam nya.

Bakit ba sa araw-araw na mararamdaman kong mahalaga ako sa kanya ay palagi akong may tanong, palagi akong may gustong malaman, palagi akong mapanghanap.

Pero lahat pala nang yon ay nasaharapan ko na, pinapamuka nya na sakin na mahal nya ko. Hindi man nya sabihin pero sobra sobra na pala nyang pinararamdam sakin.

----end------

Ayoko nang nasasaktan yung bias ko kaya tinatapos ko na. Hahaha. Charots! Feel free to comment. 😂😂

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now