Kabanata XXXVIII

581 27 42
                                    

Craye

Umaga na andito pa rin ako sa hospital kung saan dinala si Kylie, nabalitaan ko na sobrang lasing daw ito kaya naaksidente. Bumangga yung kotse nya sa poste at mabilis ang pagmamaneho.

Nakatulong naman yung airbag sa kotse ngunit yung mga binti at paa nya yung may fracture, may konting damage lang sya sa bandang noo. Iniintay na lang namin na magising sya.

Sobrang guilty ako kasi alam ko na ako ang dahilan nang pagiinom nya kaya din sya naaksidente.

"Okay ka lang ba, Craye?" Tanong sakin ni Tita Sha na syang Mom ni Kylie "kagabi kapa dito at wala kapang tulog, mas mabuting umuwi kana muna at magpahinga." Dagdag pa ni Tita tyaka nya hinimas-himas ang likod ko, magkatabi kasi kaming dalawa sa sofa habang nakatingin lang kay Kylie.

"Okay lang Tita, iintayin ko po muna syang magising." Sagot ko na lang

Ngayon, kinakain na ko nang konsensya ko. Paano ako makakabawi sa kanya? Paano pag nalaman ni Tita Sha na ako ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak nya. Sabi naman nang doktor kanina ay okay na si Kylie kailangan lang talaga muna nyang mag wheelchair para sa napilay nyang paa at medyo galos sa kanyang ulo, so far walang namang internal bleeding.

Tumawag din sakin si Mon kagabi dahil bigla nga akong nawala kaya inexplain ko na lang ang nangyari, nagulat pa nga sya sa nangyari kay Kylie.

"Kung gusto mo ay kumain kana muna and after ay umidlip ka dito sa sofa." Alok sakin ni Tita Sha. "Salamat nga pala at sinamahan mo ako dito." Dagdag pa ni Tita tyaka nya ko tiningnan at hinawakan ang aking kamay

"No worries, Tita." Sabi ko na lang, ayoko nang magsalita pa

"Alam mo ba na kagabi, bilang Ina hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa nangyari. Takot na takot ako nung nalaman kong naaksidente si Kylie." Pagbahagi ni Tita nang nararamdaman nya sakin "sobrang bait nang batang yan, kilala mo ba si Justine? Naikwento nya kasi sakin before na si Justine daw ang dahilan kaya nagkaroon sya nang pagkakataon na makilala ka nya. Kung may kupido daw na maituturing ay si Justine daw yon para sa inyong dalawa." Natawa pa si Tita sa pagbahagi nya nang kwento

Ngunit mas lalo lamang akong naguilty nang nalaman ko iyon. Ang kapal nang mukha ko para harapin pa silang mag Ina.

"Pag nakita mo pala si Justine, sabihin mo ay salamat sa kanya. Masaya ako para sa anak ko dahil Ikaw ang pinili nya, natuwa din ako nung nalaman kong anak ka pala ni Marj na syang ka aerobics ko." Nakangiti si Tita Sha sa akin habang nag kkwento.

Gusto kong umalis, ayoko nang marinig ang mga kwento nya kasi sobra na kong naguguilty.

Narinig kong tumunog ang phone ko at nakita kong natawag si Mon.

"Tita, wait lang po ha. Sagutin ko lang po yung call." Sabi ko tyaka ako lumabas sa room

"Hello Mon?" Sagot ko agad

"Mag seen ka sa GC natin. Dali." Yun lang ang sinabi nya at binaba na din agad yung phone.

------------------GC

Balita ko naaksidente si Kylie kagabi? -Silly Sally

Anong nangyari sa kanya? -Mabuhangin

I think dasurb! -3 blind Maice

Maice! Tumigil ka nga. -Kerubin

Sabi sakin ni Craye ay okay na naman daw si Kylie. -Leonardo da Vinci

Asan ba si Craye? -Justine Bibe

Anong aasahan mo Justine? Malamang na nasa tabi na naman yon ni Kylie. -3 blind Maice

Maice ano ba? -Gianne Apuli

Totoo naman diba? Bakit ayaw nyo pang sabihin? Pagtatakpan pa ba natin ulit sya? Hindi ko na hahayaan na magpaka Tanga si Justine sa kanya. -3 blind Maice

Once in a lifetimeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें