Kabanata XVIII

685 21 3
                                    

Craye

Andito ako ngayon sa resto bar nang pinsan ko, hindi ako nag sama basta ang gusto ko lang ay mapag-isa.

It's 8:38 pm at napakarami nang tao, may acoustics band ngayong gabi dahil Friday ngayon, every Friday, Saturday at Sunday lang may live band.

"Craye, anung gusto mong inumin sige na at libre kana dahil minsan ka lang naman mapadpad dito." Alok ng pinsan ko sakin na si Zion.

"Talaga kuya Z libre mo? Sige isang Mojito tequila please add more lemon and salt." Natatawa kong sabi sa kanya

"What? No way Craye! Iinumin mo yun mag-isa? Mag ladies drink ka." Pagtutol ni Kuya Z sa request ko "Mak, bigyan mo nga itong si Craye nang San Mig Apple." Sabi ni Kuya Z Kay Mak, yung crew nya

"Okay sir." At binigyan nga ako ni Mak nang isang bote

"Kuya Z para naman akong baby nito." Reklamo ko tyaka ako umupo sa harapan nang bar counter

"Libre na nagrereklamo pa." -Z

"Hindi naman kasi ako tatamaan nito."

"Sino bang may sabing maglalasing ka? Gusto mo Ikaw Ang tamaan ko?" -Z

"Joke lang, pero kuya Z pwede yung medyo may tama naman sa susunod? Sigi na isa lang ihhh." Request ko

"Nako bahala ka Craye basta uuwi ka kay Tita nang buo ha." Pagpayag ni Kuya Z

"Oo naman no, hindi naman ako lasinggera talaga." Sagot ko

"Nga pala Craye, kumanta ka mamaya ha. Mga 9pm start nang band." Request ni Kuya Z sa akin

Actually nakanta ako dito pero hindi lagi, pag andito lang ako minsan nga kahit andito ako hindi ako nakanta, nakakahiya din naman kasi. Hindi din naman ako ganong kagalingan.

Nakailang minuto ang lumipas ay nag start na din yung acoustic band na naside line dito sa bar ni Kuya Z

Andito lang ako sa counter, halos maubos ko na din yung San Mig ko.

"Craye, sabi ni Sir Z Anu daw kakantahin mo para masabi daw dun sa banda." Tanong sa akin ni Leo, isa din sa crew dito

"Sabihin mo kay Kuya Z, ako na ang bahala." Natatawa kong sagot sa kanya

Inubos ko na ang huling patak nang beer para makapag request ako ulit. Lulubusin ko na at libre naman.

"Mak, parequest naman ohhh gawan mo ko ng tequila sunrise." Sabi ko kay Mak

"Baka gusto mo din nang pulutan?" Tatawa tawang sabi sakin ni Mak

"Sabi mo yan ha, nachos na lang tyaka sisig. Salamat." Sagot ko

"Aba at nilubos nga." Sabi sakin ni Mak tyaka nya inabot sakin yung tequila sunrise

Kalahating oras na ding natugtog yung band, halos maubos ko na din ulit yung iniinom kong tequila sunrise.

"Good evening ladies and gents, andito ulit si Craye para kantahan tayong muli. Craye, after nitong kakantahin namin ay Ikaw na ang susunod." Sabi sakin ni  Kuya Bob na vocalist ng Banda

Tumango lang ako sa kanya mula sa malayo.

Habang kinakanta nila yung "you'll be safe here" ay inubos ko na yung iniinom ko pero yung pulutan ko, hindi ko pa naman nauubos. Order na lang ulit ako kay Mak later ng drinks.

Natapos ang kanta, kaya dumarecho na ko sa mini stage nang bar ni Kuya Z. Nakita ko pang nag thumbs up sya sakin, favorite akong pinsan nito ehh kaya ganito si Kuya sakin. Wala din naman syang choice kasi sya din naman yung favorite ko.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon