Kabanata XXXII

731 26 22
                                    

Craye

Kung saan kami naka assign na room ay doon kami natulog, so magkahiwalay talaga kami ni Justine kaya napagkasunduan na lang namin na maglakad lakad sa sea shore ngayong umaga.

Nagkita kami sa labas ng villa at dumarecho na sa dagat, tulog pa yung iba. Actually tulog pa talaga sila kasi dawn pa lang, gusto lang talaga namin ni Justine nang babe time.

"Babe." Tinawag nya ko tyaka nya inabot sakin yung cup ng coffee na inorder namin, naghati na lang kami sa isa.

Sana maisip nya na nag iindirect kiss kami. Sa isiping yun ay napangiti ako tyaka ako nag sip sa coffee na inabot nya.

Ang aga-aga pero yung utak ko, iba na naman. 😅😅

"Kamusta tulog mo kagabi?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad lakad kami, napansin ko kasi na medyo napadami sya ng inom kagabi.

"How I wish na sana katabi ka pero si Sandy ang nakatabi ko imbis na si Maice. Kahit patulog na ay chumika pa, gusto ata nyang alamin lahat nang ginagawa natin." Natatawa nyang kwento sakin

"Si Sandy talaga chismosa din, ano? Hindi na talaga ako mag tataka pag nagpa quiz bee about satin perfect na sya." Pagsakay ko sa kwentuhan namin ni Justine

"Oo nga pala babe, sorry pero gusto ko lang itanong. Paano ang gagawin mo pag-uwi natin kay Kylie?" Tanong sakin ni Justine

"Yung totoo babe kaya hindi ko talaga masabi kay Kylie ay gawa ni Kuya Nico." Pag-amin ko kay Justine tyaka ko hinawakan ang kamay nya tyaka kami tumuloy nang paglalakad

"Why kuya Nico?" Tanong sakin ni Justine, kilala nya na din naman si Kuya.

"Gawa nung pinagdaanan ni Kuya, kasi sabi ko sa sarili ko before na hindi ko gagawin yung ginawa nung nililigawan ni Kuya sa manliligaw sakin." Explain ko "Kasi Justine, nanligaw si Kuya kay Ciara tapos pinaasa lang sya. Ginawa nyang Mundo nya si Ciara, sobra yung effort nya, priority nya, nag invest na din sya nang feeling tapos one day malalaman lang nya na nakipag balikan si Ciara sa ex nya." Dagdag ko pa

"Kaya ba hindi ka makabitaw?" Tanong ni Justine sakin tyaka sya tumigil sa paglalakad at humarap sya sakin

Tumango lang ako, nasaktan ako sa nakita kong Justine ngayon.

"Shiiiii. It's okay Craye! At least ngayon naiintindihan ko na. Alam mo ba halos mabaliw ako kakaisip na baka mahal mo na din sya kasi ayaw mong bitawan." Hinigit nya ko tyaka ako yinakap nang light lang.

"Sorry kung hindi ko sya mareject, sorry kung hanggang ngayon nang hold ako kasi alam ko yung feeling nang iniwan, alam na alam ko kasi ako yung kasama ni Kuya Nico nung time na wasak na wasak sya." Paliwanag ko pa para mas lalo nyang maintindihan

"Babe, hanggat kaya kong intindihin ka ay gagawin ko. Hanggat kaya ko pa ipaglaban ka ilalaban kita, hanggat mahal kita babe hindi ako bibitaw." Assurance ni Justine sakin

How lucky I am that I have Justine na lagi akong kayang intindihin. Hindi mo na kakailanganin na maghanap pa kasi sa kanya pa lang sobra sobra na.

Ngumiti ako sa kanya, nagulat ako na she wipe my cheeks.

"Wag kanang umiyak, hindi kita iiwan, hindi na ko lalayo. Masaktan man ako pero hindi na kita sasaktan, ngayon kasi naiintindihan ko na. Naiipit ka lang sa sitwasyon. Don't cry na my crying baby." Pagkasabi ni Justine nun sakin ay kiniss nya ko sa eyes.

"Babe, kung alam mo lang talaga kung gaano ko na kagustong bumitaw." Sabi ko kay Justine tyaka ko sya yinakap

"Wag kana nga mag alala na makakasakit ka ng tao, haharapin na natin to pareho. Sasamahan na kita, lahat nang sasabihin ni Kylie ay tatanggapin ko para sayo, ganon kita kamahal Craye." Sincere na sabi sakin ni Justine

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now