Kabanata XXIV

720 28 28
                                    

Craye

@/Thunderbird Resorts & Casinos

Andito na kami sa room namin, dahil si Maice ang nag pabook hindi talaga nya kami pinagsama ni Justine. Ako, si Mon, Sally at Angel ang magkakaroom at sina Justine, Maice, Sandy at Gianne sa kabilang villa.

8:39am kami nakadating, nagpahinga muna kami sa room dahil sa biyahe. Lalabas na lang kami ng 10am for AM snack. Mapagusapan namin na kumain na lang dito sa villa at dalhin na lang yung food. After kumain ay tyaka kami maliligo sa pool, yes sa pool dahil ayaw nila sa dagat today.

"Nagyayaya si Sandy na mag picture-picture daw tayo dun sa urban light inspired." Sabi ni Angel

"Seryoso sya sa ganitong oras? Sabihin mo ay itigil nya dahil mas maganda doon sa gabi." Banat naman ni Sally

"Aba excited sya ehh." Sabat ni Angel

"Sa gabi na sabihin mo." -Mon

"Hindi ba sya pagod?" Sabat ko naman tyaka ako nahiga sa bed sa tabi ni Mon

Ang ending ay hindi na sila natuloy, inintay na lang namin na mag 10am for AM snack.

-------------------

Narinig kong parang andaming maingay sa paligid ko kaya pinilit ko nang imulat ang mata ko kahit medyo antok pa.

Nakita ko silang 7 na nakaupo sa sofa at naka dikwatro pa, napansin ko agad si Justine na nakangiti ito sakin.

"Ano Craye, pagod na pagod Ikaw Ang nag drive?" Banat agad sakin ni Sandy

Agad naman akong napaupo sa kama kasi nakakahiya, kanina pa ba sila nag iintay? Agad kong tiningnan ang phone ko para icheck ang oras.

"Siguro naman recharge kana no? 10:24am na, usapan natin 10am magi-snack tayo." Sabi ni Angel tyaka sya tumayo at pumunta sa ref, parang may kukunin sya. Pineapple juice in can pala.

"Tayo na Craye, kakain na tayo." Normal lang naman yung pagkakasabi ni Justine pero bakit parang nilalambing nya ko?

Fudge! Pero nakakahiya talaga sa kanila, kanila pa nila ako pinanonood habang natutulog.

"Mag-ayos kana crayola! Pa-vip ka." Reklamo ni Gianne

Tumayo na ko at dumarecho sa cr para mag hilamos at toothbrush.

Paglabas ko ay nakita ko na dun yung kakainin namin, may clubhouse, cheesy baked mac at parfait.

After namin kumain ay dumarecho na kami sa pool area. Walang ginawa sina Sandy at Sally kundi mag picture. Naka one peace lang sila pero naka floral board short naman pangbaba.

Ako naman nakaupo lang sa side ng pool, yung iba ay nag suswimming na. Wala pa dito si Maice at Justine, nauna kami kasi magpapalit pa daw si Justine at Maice.

"Malamig yung tubig?" Napalingon ako sa likod at nakita ko naman si Maice na naka one peace lang din at may board short, ganon lang din naman ang suot ko.

Pero laking gulat ko na naka black two peace si Justine pero nakahinga naman ako nang maluwag dahil may pang cover-up sya, pero kasi kahit na. Bakit kasi nakaganon pa pwede naman na katulad na lang nung samin diba?

Pero kasi nakaganon din si Angel, pero basta kahit na talaga.

Napansin ko na tumingin sakin si Justine pero inirapan ko lang sya, basta naiinis ako. Gusto ko syang pagpalitin or magsuot naman sya ng board short diba? Much better kung mag rash guard na lang sya, sa totoo lang.

Akala nya arkila namin tong thunderbird? Andami din kayang tao dahil holiday then weekend pa.

Tapos andami pang nakatingin sa kanya ngayon, mapa lalake man o babae.

Once in a lifetimeOn viuen les histories. Descobreix ara