Kabanata XVII

654 21 7
                                    

Craye

7:26 am andito na kami ni Mon sa rest area, nag iintay na lang nang time para sa first class namin mamayang 8am.

Andaming student na papasok pa lang, maingay kaliwat kanan ang mga naglalakad, nag uusap, mga barkadahan. Varsity player, magulo pag umaga.

Napansin kong may tumayo sa medyo gitna nang rest area, maliit lang naman itong lugar na to compare sa quadrangle. Hindi nagtagal ay may lumantad na tarpaulin sa building nang Journalism, Which is kitang kita dito pag nasa rest area ka. Dalawang babae ang may hawak noon sa taas, may nakasulat sa tarpaulin na "Hi Labli, CAN I COURT YOU?"

Andami kong narinig na naghiyawan, andami ko na naman narinig na SANA ALL.

"Andami nang tumatapang ngayon ahh. Ano Craye? Ikaw na lang ata ang hindi matapang?" Pang aasar sakin ni Mon

"Aba Maris! Ang tapang ahhh." Sigaw nung isang friend ata nung Maris, yung Maris siguro yung girl na tumayo kanina

Napansin ko naman na may isang girl na tinutulak tulak pa para lumapit doon sa Maris. I guess, sya yung Labli.

"Hoy Labli, mag yes kana." Sigaw pa nung isang girl na siguro ay friend naman nung Labli

"LABIS layag! Malala."

"Hashtag Labis kitang mahal."

Ang cute nung mga sumigaw, grabe yung support.

"Labli kung gusto mo si Maris, mag yes kana bahala ka pag yan nawala pa." Sigaw ni Mon sa tabi ko

Napalingon ako sa kanya, grabe pati yon ay pinakialamanan.

Nakita kong magba-back out yung Labli pero pinigilan to nung friend nya.

Nakita kong may binulong si Labli sa kaibigan nya

"Andami daw tao kaya nahihiya syang mag yes." Nagulat ako sa sumigaw, si Sally

"Sorry, narinig ko yung sinabi ehh pero yes naman ata yung sagot nya." Dagdag nya pa

"Go Maris! Galingan mo ha." Pahabol naman ni Sandy

Papalapit na sila sa amin nina Mon kasama sina Angel at Gianne. Syempre wala pa rin si Justine at Maice.

"Kayo talaga, nahiya tuloy yung Labli gawa mo Sally." Sabi ni Angel kay Sally at Sandy

"Ang cute nung dalawa no?" Singit naman ni Mon

"Oo at nakialam pa kayo." Sabi ko na lang

"Tara na, doon pa yung way natin. Baka malate pa tayo sa klase." Yaya ni Gianne samin

---------------

Naghiwalay na kaming Lima at naiwan na lang ulit kami ni Mon, habang naglalakad kami sa corridor ay nakita ko si Justine na nasa harapan ng bulletin board ng SSC.

"Lapitan mo, mag good morning ka manlang kay Justine. Potek ka sinasaktan mo yung tao." Suggest ni Mon sakin

Kaso nahihiya ako, swear.

"Ikaw na, tapos magha-hi na lang ako." Sagot ko

"Aii wow! Ako pa yung unang mag momove talaga? Craye naman for once, panindigan mo naman si Justine." Reklamo ni Mon which is tama naman sya

"Sige na nga kahit nakakahiya, kainis ka ehh." Sagot ko tyaka ako lumapit kay Justine

"Go! Ako bahala resbak mo ko." Assurance ni Mon sa akin

Tumabi ako kay Justine habang nakatingin sa dinidikit nya.

"Good morning." Sinabi ko yun nang hindi nakatingin sa kanya, kahiya ehh.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now